Friday, September 08, 2006

kABANATA 2 :: Muling Pagkabuhay

Isang malakas ng paghinga ni Bobby at bigla siyang namulat. “HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!” Sigaw ni Bobby
“NURSE!!!” sigaw ng doctor sa hospital

Nagulat ang doctor na nabuhay ulit si Bobby. Dali dalian nilang tinignan si Bobby. Ang pakiramdam ni Bobby ay parang naglakad siya mula Bataan hanggang Maynila (Death March). Nilagyan siya ng oxygen mask at pinakiramdaman ng doctor ang kanyang pulso. Sa sobrang pagod ay nawalan na ng malay si Bobby.

“I think he is already stable” Wika ng doctor.

Nang i-mulat ni Bobby ang kanyang mga mata nakita na nasa tabi niya ang kanyang ina. Nasa loob na pala siya ng kuarto ng ospital. Naalala ni Bobby ang pagkikita nila ni Bella. Naguluhan ang kanyang isip kung isa lamang ba na ilusyon ang kanyang nakita. Naisip nya na maari nga na isa lamang itong panaginip. Muli siyang napatingin sa kanyang ina at hinaplos nito ang buhok nito. Biglang na-alipungatan ang kanyang ina.

“Bobby, Anak. Kala ko ay magiisa nalang ako sa buhay” ani ng ina ni bobby
“Mamu naman! Iiwanan ko ba naman kau.” Wika ni Bobby. “E kau na nga lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.” Dugtong niya.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ng ina.
“Mabuti naman po. Sa laki ko ba naming ito.” Paliburong sabi ni Bobby.

Biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ni Bobby. Ang doctor ni Bobby kasama ang mga nurse.

“Hello. Good Morning. How are you feeling today?” tanung ng doctor
“Ok naman po Doc!” Sagot ni Bobby
“Well I have good a news for you. Pede ka na lumabas anytime. We’ve run some test and it’s pretty amazing how fast you recovered” Sabi ng doctor. “You had stroke but it was a miracle that you survived, base dun sa ECG mo healthy na ung puso mo. Pero siyempre kailangan parin mag-ingat.”
“Ganon po ba. So maari nako makalabas ngayong araw na to?” Tanung ni Bobby
“Yes. I’ll ask the nurse to fix your discharge form” sagot ng doctor “But I have to warn you. Iwas ka na sa mga matatabang pagkain ha”sabi ng doctor.
“Opo Doc!” Pangiting sagot ni Bobby “Narinig niyo yon Ma! Ok na daw po ko”

Nung araw din nayon ay lumabas na si Bobby sa ospital. Naging normal na uli ang buhay ni Bobby. Ngunit di na muna siya nag-chat sa internet. Inisip na na mas mabuti na muna ang ganon at ayusin ang kanyang buhay. Ibinuhos niya ang kanyang mga araw sa pagtratrabaho sa bakery. Minsan ay sinubukan niyang i-text si Matt pero di ito sumasagot. Muli ay naging miserable ang kanyang buhay.

Isang araw nang malapit na magsara ang bakery nila. Suot suot pa ni Bobby ang Fuchsia Pink niyang blouse. Nang biglang may 3 lalaki ang nagpunta sa kanilang bakery.
“Lilet! Bigyan mo nga ko ng sampung pisong Spanish bread!” Sigaw ng isang mama.
“Di po Lilet ang pangalan ko” sagot ni Bobby
“Di ba? Kala ko Lilet! Kc Liletsunin itsura mo e! Bwahahaha” Halakhak ng mama
“Mama! Kung wala kaung magawang matino umalis nalang kau! Di po kami nagbebenta sa mga taong pangit!” Sigaw ni Bobby.
Biglang naglabas ng baril ang mama at itinutok ke Bobby.
“Tarantadon Bakla ka! Akin na pera mo! HOLDUP to!” Sigaw ng mama.

Di alam ni Bobby kung ano ang pumasok sa kanyang isip. Sinubukan niyang agawin ang baril ng mama. Ngunit naitulak siya nito. Bumagsak si Bobby sa lapag. At itinutok ng mama ang baril sa kanya. Sa isang iglap …

“BANG! BANG! BANG!” tatlong putok ang umalingawngaw sa bayan nila Bobby.

Kala ni Bobby ay katapusan na niya yun. Ngunit laking gulat niya. Inisip nya na makikita niya ang dugo sa kanyang damit pero butas lang ang nakita niya. Pati ang mga taong bumaril sa kanya ay nagulat!

Tumayo si Bobby.”Walang hiya kang hitad ka!” sigaw ni Bobby. Biglang pumasok sa isip na Bobby na sumigaw. Isang napakalakas na hiyaw ang lumabas sa kanyang bunganga. Parang isang libong baboy na sabay sabay sumigaw!

“WWWWIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEYIIIIIIIIIIIIIHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH” Sigaw ni Bobby

Nagbasagbasag ang salamin sa display ng mga tinapay. Sumabog ang monay, pandelimon, tasty at kung anu-ano pang tinapay sa paligid. Ang tatlong mama ay tumilapon papalayo sa bakery. Ang mga tibo ng salamin ay nakatusok sa buong katawan nila. Gulat na gulat si Bobby sa mga pangyayari. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis at dinampot ang tatlong lalaki.

“Ano pong nangyari dito? Ako nga po pala si SP03 Magtanggol” Tanong ng matipunong pulis.
“E kc tong tatlong kontrabidang toh! Tinutukan ako ng baril, gusto ba naman holdapin yung panaderia namin!” Sagot ni Bobby
“Buti nalang at walang nangyari sa inyo” pag-alala ng pulis
“Ay naku, SPO Pogi salamat sa concern mo. Hihihi” malanding sagot ni Bobby
“Bakit nga pala nagbasag basag ang mga display niyo at nagkasabog sabog ung mga tinapay” Urirat ng Pulis
“Errrrr, Ehm, kc pinagbabaril nila yung bakery. Buti nalang at marunong ako mag kung-fu! Sinipa ko sila tas sinayd-kick! Yah! Pow! Yah!” Pagmamalaki ni Bobby
Medyo napangiti ang pulis.”Ganon po ba, Buti nalang kc matagal na naming pinaghahanap tong tatlong tulisan nato. Wanted po sila sa panghoholdup d2 sa bayan natin”
“Talaga? Wala ba kong reward? Echuza!” palabirong wika ni Bobby.
“Meron po. Maari po ba kaung sumama sakin sa police station. Para makapag-file ng report at makuha narin yung reward niyo” Ani ng Pulis.
“Hinde wag mo na ibigay yung reward nagbibiro lang naman ako. Pero sige sasama nako sa pulis station para maireport tong mga gung-gong na to!” Wika ni Bobby.

Kinagabihan. Hinde parin maalis sa isip ni Bobby ang mga pangyayari. Napawi ang lumbay na kanyang nararamdaman. Bigla niyang naalala si Bella Star.

“Totoo kaya na kumain ako ng Ambrosia?” sa isip isip ni Bobby “Kung totoo yun. Siguro madami pa kong kayang gawin.”

Tumitig si Bobby sa vase ng bulaklak na nasa kuwarto niya. Sinubukan niyang i-angat ito gamit ang kanyang utak. Matatagal na titig. Namamawis na siya.

“Leche! Di gumagana! Hay naku” Bigong wari ni Bobby

Aksidente niyang naikumpas ang kanyang kamay at ito’y biglang umilaw! Isang kidlat ang lumabas sa dulo ng mga kamay niya at sumabog ang vase sa harapan niya. Natulala si Bobby sa mga pangyayari. Biglang may kumatok sa kuwarto niya.

“Bobby, Ano nangyayari diyan” pagalalang tanong ng kanyang ina
“Wala po Mamu! Nalaglag lang yung vase d2 sa kuwarto, matulog na po kayo.” Sagot ni Bobby.
“O sige. Linisin mo yan at baka matibo ka ha. Tapos magpahinga ka na.” wika ng ina ni Bobby.

Tuwang-tuwa si Bobby sa nangyari. Napatunayan niya sa sarili na may kapangyarihan nga siyang tinataglay. Di siya makatulog nung gabing yun. Alam niya na madami pa siyang kailangan malaman tungkol sa tinataglay niyang kapangyarihan. Nang biglang!

KRRRRRRRRRRRRRAAAAAAAACCCCCCCCKKKKK!!!!! KZZZZZZZZZIIIIITTTTTT!!!

Lumabas sa kawalan si Bella Star. Gulat na gulat si Bobby. Nagpapatunay lang na totoo ang lahat ng mga nangyari sa kanya.

“Nagustuhan mo ba ang mga taglay mong kapangyarihan?” Tanong ni Bella
“MAMA! Waging wagi ang binigay mong gift sakin” Bulalas ni Bobby “Maraming maraming salamat.”
“Pero let me remind you, Great Power comes great responsibility” Wika ni Bella.
“Parang napanuod ko na yan! Hihihi” Bungisngis ni Bobby
“Hindeh ako nagbibiro! Gagah!” Sigaw ni Bella
“Sorry po, nagbibiro lang ako.” Napawi ang ngiti sa mukha ni Bobby “Wag kau masyadong maingay baka marinig tayo ng nanay ko.” Wika ni Bobby.
“Wag ka magalala. Ginawa kong sound proof tong kuarto mo para walang makarinig satin na naguusap” sagot ni Bella
“Maghanda ka! Mandirigma ni Bella. Ikaw ay aking pagsasanayin para magamay mo ang mga taglay mong kapangyarihan!”

Umikot ang buong paligid. Tila nasa loob sila ng isang ipo ipo at sa isang iglap nagulat nalang si Bobby at nasa ibabaw na sila ng bundok. Lumulutang sila sa hangin at dahan dahan silang bumaba sa lupa…


Itutuloy ...

No comments: