KABANATA 7: Mr. DreamBoy
Malaki na ang nagagawang tulong ni Zuper Zion sa katahimikan ng bansa. Natatakot na ngayon ang mga kidnapper, holdaper, snatcher at kung ano ano pang may ER. Alam nila na lagging may nagmamasid sa kanila at pipigil sa mga katiwalian nila.
Masaya si Bobby sa mga nangyayari. Kahit papaano naman ay nakakapagpahinga sya. Nagagawa na niya ang mga bagay na personal tulad ng pag shopping, pagpapa- parlor at higit sa lahat ang pagpa-spa. Binigyan niya rin ng panahon si Aling Mila. Matagal-tagal narin na panahon simula ng nag-“Bonding” sila ng nanay niya. Si Aling Mila ay masasabing huwaran na ina. Napalaki niya ng maayos si Bobby. Ngunit minsan naiisip parin ni Aling Mila na hinde niya naibibigay ang lahat sa anak. Natatakot din siya na pano kung balang araw ay mawala na siya sa mundo. Magiging magisa si Bobby sa buhay. Minsan nga e kung sinu-sinong lalaki ang inuuwi niya para ipakilala sa anak.
Isang araw habang namamalengke si Aling Mila di niya akalain na may isang lalaki na mapapakilala niya kay Bobby.
“Naparami ata ang nabili ko sa palengke.” Sa isip-isip ni Aling Mila “Hay napaka-bigat naman nito.”
Habang papalabas siya ng palengke biglang may umagaw ng bag niya. Nasisisigaw si Aling Mila at humingi ng tulong sa mga tao. Walang nagawa ang ibang tao kundi ang manuod nalang sa nangyari. Biglang may isang lalaki na tumakbo at hinabol yung snatcher. Sa awa naman ng diyos ay naabutan niya yung snatcher. Napalaban ito at nagtamo ng ilang galos sa katawan dahil may dalang patalim yung snatcher. Pagbalik ng lalaki ay iniabot niya kay Aling Mila yung bag na ninakaw sa kanya.
“Ay maraming salamat. Iho” Tuwang tuwang sabi ni Aling Mila.
“Walang anuman po, napakaraming mga mandarambong talaga ngayong panahon na to” Wika ng lalaki
“Ano bang magagawa ko sayo para mapasalamatan ka?” Tanung ni Aling Mila.
“Naku ok lang po yun. Sige po mauna na po ko sa inyo.” Wika nung lalaki
“Sandali. Bat di ka muna sumama sa bahay naming para magamot yang mga sugat mo para narin dun ka makapagpananghalian” Pagpilit ni Aling Mila.
“Nakakahiya naman po” sabi ng lalaki.
“Peskeng bata ire! Wag ka na mahiya. Yun nalang magagawa ko para mapasalamatan ka.
Pumayag din sa wakas ang lalaki. Matipuno ang pangangatawan ng lalaki. Kahit na medyo Moreno siya ay makikita parin ang kagandahang lalaki nito. Nagulat ito nang malapit na sila sa bahay ni Aling Mila.
“Taga-dito rin po ako” wika nung Lalaki “Bagong Lipat lang po kami diyan sa tapat ng bahay niyo.
“Ah ganun ba? Kaya pala parang pamilyar ang itsura mo, kayo pala ang lumipat diyan kila Mameng” Wika ni Aling Mila.
“Ako nga po pala si Ben” Pakilala ng lalaki.
“Ako si Mila, Nanay nalang ang tawag mo sakin” Sabi ni Aling Mila. “Kasama mo ba mga magulang mo?”
“Nasa probinsya po sila. Kami lang po ng kapatid ko na babae ang lumipat diyan. Tapos na po ko ng pag-aaral at nagtratrabaho na. Yung kapatid ko naman ay nag-aaral po ng Narsing.” Kwento ni Ben.
“Ah ganon ba. Mamaya pagka-gamot ko at pagluto ng pagkain tawagin mo na yung kapatid mo at dito na kayo mananghalian samin” Alok ni Aling Mila.
“O sige po. Maraming Salamat po”
Habang papalapit na sila sa Bakery at natanaw na ni Bobby ang kanyang ina. Lumapit ito para salabungin ang ina.
“Mamu, tulungan ko na po kayo diyan” Wika ni Bobby.
“Bobby, eto nga pala si Ben. Tinulungan niya ko kanina kasi may nag-snatch sa bag ko kanina.” Kwento ni Aling Mila.
“Naku Mamu, wala bang nangyaring masama sayo?” Pag-alala ni Bobby.
“Wala naman, Etong si Ben ang maraming galos. Pumasok ka na sa bahay at kunin mo yung first aid kit.”
“Sige po. Mamu” Sumunod nalang si Bobby.
Tumango nalang si Bobby kay Ben tanda ng pasasalamat. Nasa-isip isip ni Bobby na isa na naman to sa mga pakana ng Nanay niya para magkaroon siya ng boyfriend. Medyo naiirita siya pag ginagawa ito ng kanyang ina. Ayaw niya kasi na pina-pakialaman siya pag dating sa pag-ibig.
“O Ma, Eto yung first aid kit” Iniwan nalang ni Bobby sa lamesa ang gamit.
“Sandali. Ikaw na nga mag-gamot dito kay Ben” Wika ni Aling Mila “Magluluto lang ako ng tanghalian”
“Ma, ang laki laki ng damulag niyan noh! Kaya na niya gamutin sarili niya” Pagtataray ni Bobby.
“Peskeng bata ka, kung di dahil sa kanya nawala na yung bag ko” galit na sabi ni Aling Mila.
“Hmmm. Tita, Mauna na po ko sa inyo” Nahihiyang wika ni Ben. “Sa bahay nalang ako mag-aayos ng sarili. Diyan lang naman sa tapat yung bahay naming.”
“Care ko!” Iritang wika ni Bobby.
“O sige, pasensya ka na ha Ben. May regla ata tong anak ko e. Padadalhan nalang kita ng pagkain sa inyo” wika ni Aling Mila.
Ngumiti nalang si Ben at nagpaalam na. Hiyang-hiya si Aling Mila sa inasal ng anak. Kung pede nga lang niya konyatan sa ulo ang anak ginawa na niya kaso di lang niya abot. Pagkaluto ng ulam ay tinawag na niya si Bobby.
“Bobby! Bobby!” Tawag ng ina.
“Yes, Mamu.” Mabilis na sagot ni Bobby.
“Dalin mo nga tong pochero na niluto ko diyan kila ben” Utos ng Ina.
“Ayoko nga Mamu, mamaya isip pa nung ulikba na yun na may gusto ko sa kanya” Wika ni Bobby.
“Susunod ka ba? O gusto mo ibuhos ko tong mainit na mangkok ng pochero sa Ulo mo?!” Pananakot ni Aling Bella.
“Mamu naman! Sige na nga eto nap o. Hmft” Irap ni Bobby.
“Hihihi. Susunod ka rin pala e dami pang drama nire” Hagikgik ni Aling Mila
“Naku Mamu. Alam ko na balak niyo ha! Kung ako sa inyo itigil niyo na yan!” Iritang sagot ni Bobby.
Dala dala ang isang bowl ng pochero ay binagtas ni Bobby ang kalye at kumatok sa bahay nila Ben.
“Tao po, Tao po!” Katok ni Bobby.
Binuksan ni Ben ang pinto, wala itong pang itaas na damit at nakatapis lang ito ng tuwalya. Nagulat si Bobby sa nakita, ang ganda ng katawan ni Ben. Di namalayan ni Bobby na naka-nganga na pala siya.
“Para kang na nuno? Hehehe” Pabiro ni Ben
“Ha? Ah …. Eh …. Nga pala pina-bibigay ni Mamu.
Iniabot ni Bobby yung ulam. Napansin niya na magandang lalaki pala si Ben. Bagay sa kanya ang kulay niya kahit na Moreno ito.
“Salamat Bobby ah.”Inabot ni Ben ang bowl at napahawak ito sa kamay ni Bobby ng aksidente.
Nagulat si Bobby at nabitawan ang ulam at nabasag ang mangkok. Humingi ng pasensya si Ben. Sabi niya kay Bobby ay siya nalang ang maglilinis nito pero sabi ni Ben na wag na magatubili. Umuwi si Bobby at habang naglalakad.
“Gagah ka talaga Bobby! Naka-kita ka lang ng katawan nagkaganyan ka na!” Kinakausap niya ang sarili. “Hmft. Ulikba parin siya. Si Mamu may kasalan nito eh… ggrrrrr… nagmukha tuloy akong tanga.”
Habang nagsasandok ng panibagong pochero ay naalala ni Bobby si Ben. Guwapo pala nga ito at medyo naakit siya. Pero binura niya sa isip niya ito. Sinabi niya sa sarili na hindi na siyang muling iibig pa. Tama na siguro ang paghanga. Hanggang dun nalang yun. Tinawag niya ang katulong nila at ipinadala ang bagong sandok na ulam.
Kinagabihan magsasara na sana sila Bobby. May pumara na owner type jeepney sa tapat nila bumaba roon si SPO3 Magtanggol.. Lumapit ito papunta sa bakery nila Bobby.
“Napadalaw kayo SPO3 Magtanggol.” Nakangiting bati ni Bobby “Ano po maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Wala naman gusto lang kitang dalawin” Nakangiting bati ng pulis.
“Naku wala naman po akong sakit.” Namumula na ang pisngi ni Bobby.
“Di naman dapat may sakit para bisitahin kita.” Wika ng Pulis.”Tsaka wag mo na ko i-po po pakiramdam ko kasi ang tanda tanda ko na e.”
“O sige po, este ok” Sagot ni Bobby.
“Julius nalang tawag mo sakin para mas personal” Ani ng Pulis.
“O sige na nga. Julius hihihi” Bungisngis ni Bobby.
Masaya na ang gabi ni Bobby biglang dumating si Ben sa bakery. Ngumiti ito kay Bobby pero sinimangutan ito ni Bobby.
“Good Evening Bobby.” Bati ni Ben
“Ano naman ang kinaganda ng gabi? Kanina maganda pero nung dumating ka nasira na” Inis na sagot ni Bobby. Hindi alam ni Bobby bakit siya naiinis kay Ben wala naman ginawang masama sa kanya. Siguro ay dahil narin sa siguro pakiramdam niya ay pakana ito lahat ng nanay niya.
“Eto naman bibili lang ako ng Ensaymada, field trip kc ni Brenda yung kapatid ko.” Paliwanag ni Ben
“O siya, ilan ba?”
“Beinte pesos na ensaymada. Yung iba i-aagahan na namin” Sagot ni Bobby.
“Hmft. Eto” Iniabot ni Bobby ang supot.”O may kailangan ka pa?”
“Wala na.”
“Ano pa iniintay mo? Supi!” Pagtataray ni Bobby.
Nagkamot nalang ng ulo si Ben at umalis na. Nagtataka bakit imbyernang imbyerna sa kanya si Bobby. Buti nalang at mabait si Ben at di pinapatulan si Bobby.
“Ginugulo ka ba nung mokong na yon?” Tanong ni Julius.
“Naku wag mo na nga pansinin yun. Mabalik nga tayo sa pinaguusapan natin” Wika ni Bobby.
“Eh, Bobby. Ok lang ba kung hingin ko yung number mo?” Tanung ni Julius.
“Ok sige.”
Binigay ni Bobby ang numero niya at binigay din ni Julius ang numero niya. Nagpaalam narin ito dahil may duty pa siya nung gabi na yon. Kinikilig si Bobby kasi parang pakiramdam niya ay may gusto sa kanya si Julius. Sumagi rin sa isip niya bakit naman magkakagusto ang isang lalaki sa kanya tapos pulis pa. Tinanggal nalang ni Bobby sa isip na baka nga may gusto sa kanya si Julius. Napangiti nalang ito at pinatuloy ang pag sasara ng bakery.
Papasok na ng bahay si Bobby nang biglang may narinig siyang mga taong nagsisigawan. Dali-dalian nagpalit ng anyo si Bobby para maging si Zuper Zion. Tumakbo siya at biglang naglaho sa dilim. Dumating siya sa ibabaw ng Isang Building. Nakita niya na ang daming tao dito nangsisigawan. Nang lumapag siya sa ibabaw ng building biglang nagsitigilan ang mga tao.
“Surprise!” Sabay sabay na sigaw ng mga tao.
Nagulat si Zuper Zion di niya alam kung ano ang nangyayari. Humawi mula sa makapal na tao si Miguel. Tulad nang dati nakapakalakas parin ng dating ni Miguel. May hawak-hawak itong isang bote ng champaigne at dalawang wine glass.
“Ladies and Gentlemen. Thank you sa pagpunta nyo dito. You may claim your fees sa secretary ko sa baba ng building. Your presence is no longer needed. Thank you again.” Wika ni Miguel.
Nagsilabasan na ang mga tao ng building. Ang natira nalang sa ibabaw ng building ay si Miguel at si Zuper Zion. Sa gitna ng building ay may isang lamesa at nakahapag dun ang mga masasarap na pagkain. Kumikinang ang mga kubiertos na mukhang mga mamahalin. Napakaraming kandila sa paligid. Napaka-romantiko ng dating ng buong paligid. May 4 na nagbyo-violin sa gilid ng lamesa timutugtog nang isang napakagandang kanta. Nagtataka parin si Zuper Zion di parin niya alam kung ano ang nangyayari. Dahan dahang lumapid si Miguel sa kanya.
“I’m sorry I have to do those hullabaloo just to get your attention.” Wika ni Miguel.
“Ano ibig sabihin walang kaguluhan. Naku sinasayang mo lang ang panahon ko!” Galit na wika ni Zuper Zion.
“Wait!” Hinawakan ni Miguel ang kamay ni Zuper Zion.
Hinatak niya si Zuper Zion pupunta sa kanya. Laking gulat nalang ni Zuper Zion ng biglang hagkan siya ni Miguel at hinalikan ito. Itutulak sana ni Zuper Zion si Miguel pero parang nanghihina siya. Di siya makapanglaban parang kinukuryente ang buo niyang katawan. Nagpaubaya siya at ginantihan narin ng halik si Miguel. Bigla nagising sa katotohan si Zuper Zion at naitulak si Miguel. Medyo napaitsa sa Miguel. Tumakbo si Zuper Zion papalapit sa kanya.
“I’m sorry I didn’t mean to hurt you” Paumanhin ni Zuper Zion.
“It’s ok Zion.” Tinulungan siyang tumayo ni Zuper Zion.
“Nagulat ako sa ginawa mo kasi. I didn’t see that coming” Wika ni ZZ.
“Mukhang nagustuhan mo naman e. hehehe” pabirong sabi Miguel.
“Nakaka-insulto ka naman”
“I’m sorry. It’s just that the first time that I saw you sa Cruise Ship I fell in love with you” Wika ni Miguel.
“Sorry Miguel. Alam mo ang situation ko. Walang akong time para mainlove” Sagot ni Zuper Zion.
“Ok Ok. Can you give me this night. Please” Pagsusumamo ni Miguel.
Nagdadalawang isip si Zuper Zion alam niya na isa lang itong panaginip. Hinde maaring maging sila ni Miguel dahil hindi yon ang tunay na siya. Siya si Bobby. Pero naisip din ni Bobby na gusto niya si Miguel. Sino ba naman ang di magkakagusto sa isang napakasimpatikong lalaki. Pumayag si Zuper Zion na makipagdate kay Miguel. Sinabi niya dito na pag kailangan na niya umalis ay bigla nalang siyang maglalaho. Pumayag naman sa condition nya si Miguel.
Naging napaka-romantic ng gabi na yon. Napaka sarap kausap ni Miguel parang halos lahat na ng topic ay may alam siya. Ibinigay ni Bobby ang gabing ito para sa sarili niya. Hindi pa kasi siya nakakaramdam ganong klase na attention na binigay sa kanya. Sabi niya sa sarili kung maari lang ay habang buhay na siya maging si Zuper Zion at wag na bumalik sa pagiging Bobby para lang kay Miguel. Sa gabing yun pero pakiwari ni Bobby ay parang nahuhulog narin ang loob niya dito. Nagpaalam na si Zuper Zion kay Miguel. Bago ito umalis ay hinawakan muli ni Miguel ang kamay ni Zuper Zion.
“How bout a goodnight kiss?” Tanung ni Miguel.
Nung una ay parang ayaw ni Zuper Zion pero naging mapusok si Miguel. Hinagkan niya si Zuper Zion. Parang Ice cream na tunaw na sa ilalim ng araw si Zuper Zion, naghina siya sa halik ni Miguel. Napahawak narin siya kay Miguel. Matapos ang napakainit na halikan na iyon ay nagpaalam na si Zuper Zion.
Pag-dating sa bahay ay parang nasa alapaap si Bobby. Hindi niya maintindihan ang nararamdam. Nakatulog na si Bobby na may ngiti sa kanyang mga labi.
Itutuloy ….
No comments:
Post a Comment