KABANATA 5. Tamis ng Unang Jombag!
Bumangon na si Bobby at inayos na niya ang kanyang hinigaan. Dumiretso siya sa banyo at naligo na. Pagkaligo ay nag-almusal siya kasama ang Aling Mila ang kanyang ina. Binuksan niya ang kanilang bakery.
Habang nagbabantay ng bakery si Bobby ay napansin niyang may mga batang kalye na nagbubungkal ng kanilang basura. Nakita niya ang isang bata na akmang isusubo ang isang piraso ng tinapay na galling sa basurahan.
“Boy! Wag mo kainin yan! Ang dumi-dumi niyan e!” Sigaw ni Bobby “Halika ng kayo dito.”
Lumapit ang 4 na bata na nagbubungkal ng basura. Kumuha ng si Bobby ng ilang piraso ng tinapay at ibinigay ito sa mga bata.
“O ayan mga bagets! Pag nagugutom kayo wag kayo mag atubili na pumunta dito ha.”
“Salamat po! Wala bang panulak? Baka mabulunan kami sa mammon e.” biro ng bata
“Hava! Ambisyosa tong bata na to.” Pangiting sabi ni Bobby.
Kumuha si Bobby ng Isang Litro ng Mineral Water at ibinigay ito sa mga bata. Nagpaalam na ang mga bata at tuwang tuwa sila kay Bobby. Bumalik na sa kinauupuan niya si Bobby. Habang papalayo ang mga bata, nagulat nalang si Bobby na parang may mga taong sumisigaw. Napabalikwas siya sa kanyang kinauupuan. Tumingin siya sa paligid ngunit wala naman nakita. Nang papaupo na naman siya narinig na naman niya ang mga tao ng naghuhumiyaw ng tulong. Biglang naisip ni Bobby na lumakas ang kanyang panrinig dahil hindi na siya ang dating Bobby kundi ang mandirigma ni Bella. Dali-dalian niyang tinawag ang kanyang ina upang magbantay muna sa kanilang bakery. Nagdahilan nalang siya na may biglaang lakad siya at kailangan niyang umalis. Tumakbo si Bobby sa isang tagong lugar.
Itinaas ni Bobby ang kanan kamay at ikunumpas ito ng letrang B. Sabay kembot ng parang sexbomb.
“And a ONE and a TWO and a THREE!! Single, single, double-double!”“Sangalan ng Pinakamaganda at delicious na Diyosa na si Bella. Ako ang tagapangtanggol ng sanlibutan! Kristal Power MUK-UP!!!” Sigaw ni Bobby.
Kumidlat sa paligid at nakapagpalit na siya ng anyo. Lumipad ng sobrang bilis sa himpapawid si Zuper Zion. Napansin ni Zion na tila nagmumula ang mga hiyawan sa gitna ng dagat. Binilisan niya ang paglipad at nakita na may usok na nanggagaling sa isang barko. Nakita niya rin na may mga taong nagsisitalunan dito. Sa tabi ng barko ay naroon din ang isang mas maliit na barko. May mga armadong lalaki na nagbabantay dito. Nag-dive ng mabilis si Zuper Zion at sa sobrang bilis ay halos di mo na sya Makita. Pinagpupulot niya ang mga tao na nasa dagat at isa isang iniligay sa life boat. Sinenyasan niya ang mga ito na wag maingay. Hinawakan niya ang mga lubid na nakatali sa lifeboat at unti unti niya itong ibininaba sa dagat at inilayo ito sa barko.
Dahan-dahan na bumalik si Zuper Zion sa barko. Nagmasid sya sa paligid at naglakad ng dahan-dahan. Naalala niya na pwede pala siyang maging mawala sa paningin ng isang normal na tao. Tumingala siya, pumikit at unti-unting naglaho si Zuper Zion. Nagpunta na sya sa bulwagan ng Barko. Nakita nya ang mga armadong mga kalalakihan na naka-itim. Ang mga ito ay nakasuot ng bonet at nakatutok ang baril sa mga pasareho. May ilan sa kanila na kinukuha ang mga alahas ng mga mayayamang pasahero.
“Wag na kayong maglaban!” Sigaw ng isang lalake, tila siya ang lider ng grupo. Kukunin lang naming ang mga kayaman niyo. At siyempre ang ilan sa inyo para I-patubos! Wahaha”
Di nakapagpigil si Zuper Zion. Lumipad siya patungo sa bandido. Sa isang iglap ay nagpakita na siyang muli.
“Ganda!” Sigaw ni Zuper Zion. “Anung kaguluhan itoh?!”
Nagulat ang mga kalalakihan. Magsasalita sana ang lider ngunit sumabat na muli si Zuper Zion.
“Sino aketch at saan ako galing?!” Pagmamayabang ni Zuper Zion. “Wag mo na alamin. Sa precinto nalang kayo magpaliwanag! Choz!”
“Punyeta! Bakla pala to e! Mga kasamahan paputukan niyo siya!” Sigaw ng lider.
Bago pa makaiwas si Zuper Zion, Umilingaw-ngaw ang putok ng baril. Tinadtad nila ng bala an gating bida. Nagkapunit at nagkabutas butas ang costume ni Zuper Zion.
“Leche!!!! Sinira nyo yung costume ko! Pero di bale.” Pumalakpak si Zuper Zion at nabuo ulit yung costume niya.
”O Diba bongga! Ano tapos na ba kayo?” Tanong ni Zuper Zion
Napanganga ang mga bandido sa nakita. Sinamantala ito ni Zuper Zion. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at sinigaw ang.
“Mind Over Matter! Lilipad lilipad Tseverlu!”
Nagsiliparan sa ere ang mga sandata ng mga kalaban. Humagis ang mga ito sa dagat. Di napansin ni Zuper Zion na may Granada palang hawak ang isa sa mga bandido. Inihagis to sa kanya. Nabigla si Zuper Zion at sinalo niya ito ng kanyang bibig at sumabog ito sa bunganga niya. Umusok ang bibig at tenga ni Zuper Zion.
“Hay naku, ano pa gusto niyo gawin ko kumain ng bubog at lumunok ng apoy!” Imbyerna sabi ni Zuper Zion.
“Zuper Zpeed Na! Now Na!”
Tumakbo ng mabilis si Zuper Zion at isa isang pinagtatali ang mga bandido. Siniguro niya rin na wala na itong mga armas. Nagsigawan ang mga tao sa loob ng barko. Tuwang tuwa sila kay Zuper Zion. Nagpalakpakan ang mga tao. Lumapit ang isang napakagandang batang babae at tinanung siya kung ano ang pangalan niya.
“Zuper Zion! Ang tagapagtanggol ng mga naapi. Ang mandirigma ni Bella Star!” Sabay Posing ng pang Miss Universe.
Nagkataon na nandon ang reporter na si Miguel Zabala ng Metro Ngayon. Isang sa mga pangunahing pahayagan sa Maynila. Si Miguel Zabala ay isa sa mga tinitingalang mamahag ngayon. Bukod sa writer siya sa Metro Ngayon ay napapanood din siya sa telebisyon. Sabi nga nila ay isa siya sa mga leading bachelor ng maynila. Bukod sa Mayaman at matalino ay napaka guapo ni Miguel Zabala. Matangkad, mestizo at napakaganda ng kutis nito. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami si Miguel Zabala ay isang silahis. Lumapit siya kay Zuper Zion at kinuhan niya ito ng picture gamit ang isang digital camera.
“Hi, I’m Miguel Zabala” Sabay kindat kay Zuper Zion.
Kilala ni Zuper Zion si Miguel de Zabala. Napapanood niya ito sa telebisyon at binabasa ang mga article nito sa society page ng Metro Ngayon. Kinikilig si Bobby ngunit di niya ito pinahalata. Tulad ng isang super hero ay kunwari ay wala siyang pakialam.
“Magandang Araw.” Tipid na sagot ni Zuper Zion.
“Salamat sa pagligtas mo sa amin.” Sabi ni Miguel.
“Walang anuman. Ginawa ko lang ang nararapat” Sagot ni Zuper Zion.
“By the way, Can I schedule you for an interview sa TV Show ko?” Tanong ni Miguel.
“Sorry, but I don’t do interviews and if you’ll excuse me. I still have an unfinished business” Lumabas sa bulwagan si Zuper Zion.
Lumipad siya sa himpapawid at nagdive sa ilalim ng dagat. Nagpunta siya sa ilalim ng barko at itinulak ito papataas. Unti-unti umangat sa tubig ang barko at nagulat ang mga tao sa loob nito. Pero alam nila na binubuhat sila ni Zuper Zion. Inilipad ni Zuper Zion ang buong barko pabalik sa daungan sa Pier. Sa Pier ay naghihintay na ang mga coast guard. Hinuli ng mga pulis ang mga bandido. Nagpalakpakan ang mga tao. Lalapit pa sana si Miguel kay Zuper Zion ngunit mabilis itong lumipad sa himpapawid. Dahan dahang bumalik si Bobby sa bahay nila. At bumalik na siya sa dati niyang anyo. Nagbalik siya sa bakery.
“San ka ba nang-galing pesking bata ka?” Tanong ni Aling Mila
“Pasensya na po, Mamu” Sagot ni Bobby “Nay siguro kailangan nating kumuha ng katulong dito sa bakery. Kasi may inuumpisahan akong negosyo e baka kainin nun ang oras ko.”
“Katulong? Naku e kaya ba nating paswelduhin yun at tsaka mahirap na magtiwala sa mga tao ngayon” Sagot ni Aling Mila.
“Wag kau mag-alala. Mamu, I’ll make sure na mapagkakatiwalaan yung magbabantay dito sa bakery. Tsaka sapat naman yung kinikita natin dito para makakakuha ng katulong. Tsaka ayoko rin ho na napapagod kayo dito sa bakery pag wala ako” Pagpapaliwanag ni Bobby.
“O siya, Sige bahala ka na.” Sagot ni Aling Mila.
Kinagabihan yun kumalat sa balita sa telebisyon at pahayagan ang nangyari sa isang barko. Nagtatanong din ang mga ito kung saan nang-galing ang nilalang na kung tawagin ay Zuper Zion. Lumabas ang litrato na kinunan ni Miguel Zabala. Napanuod ni Bobby ang mga balita. At napangiti ito sa mga naglabasan sa telebisyon at pahayagan.
Siniguro ni Bobby na tulog na ang kanyang ina at naglaho siya sa loob ng kuarto at lumitaw sa isang madilim na eskinita.
Itinaas ni Bobby ang kanan kamay at ikunumpas ito ng letrang B. Sabay kembot ng parang sexbomb.
“And a ONE and a TWO and a THREE!! Single, single, double-double!”“Sangalan ng Pinakamaganda at delicious na Diyosa na si Bella. Ako ang tagapangtanggol ng sanlibutan! Kristal Power MUK-UP!!!” Sigaw ni Bobby.
Lumipad sa himpapawid si Zuper Zion at sa isip isip nito
“Simula palang yan! Makakatulog na kayo ng mahimbing!”
Itutuloy
No comments:
Post a Comment