Tuesday, October 03, 2006

KABANATA 6: Kabaligtaran ng Bida


Naging sikat si Zuper Zion sa buong mundo. Marami na siyang nasagip na mga buhay di lamang dito sa Pilipinas kundi sa mga karatig bansa narin. Napigilan niya ang mga rumaragasang mga tsunami sa isang isla sa pacifico. Pinalamig niya ang nag-aalimpuyong mga bulcan sa Pilipinas. Sinagip ang mga tao mula sa mga masasamang loob na kinikikilan sila or pinagsasamantalahan. Ultimo ang pagsagip sa isang kuting na natrap sa poste ng kuryente. Naging Curacha si Zuper Zion walang pahinga. Pero hinde ito nararamdaman ni Bobby. Dahil alam niya na marami siyang buhay na nasasagip at dahil dito bumubuti ang kanyang pakiramdam. Minsan nga ay nagtatampo na sa kanya si Aling Mila dahil hinde na sila masyadong nakakapagsama.

Samantala di tumigil si Miguel Zabala sa pag gawa ng artikulo kay Zuper Zion. Namangha siya sa kakayanan nito na sumagip ng buhay sa iba’t ibang location ng mundo sa isang kisap mata. Hinde lamang yun ang pakay ni Miguel kay Zuper Zion gusto niya na makilala lalo ang ating bida di lamang sa propesyonal na bagay kundi personal. Gusto niyang angkinin si Zuper Zion.

Hindi lamang sa Mortal na mundo unti-unting nakikilala si Zuper Zion kundi sa mundo ng mga Bathala. Nagpatawag si Haring Galaxio (Punong Bathala)ng isang pulong ng mga konseho ng mga bathala. Dito dumating sila Selest (Diyosa ng Kalangitan), Si Althea (Diyosa ng Halaman), Si Seve (Bathala ng Lupa), Si Winrod (Bathala ng Kidlat), Si Devonika (Diyosa ng Karimlan), Si Baningning (Diyosa ng Tubig), Si Magras (Bathala ng Apoy) at kung sinu-sino pang mga diyosa at bathala yung iba di na importante para makilala pa. Silang lahat ay nagtipon sa Kaharian ni Haring Galaxio. Sa bulwagan ay maririnig ang dumadagundong na boses ng mga Diyos at Bathala sila’y nagtatalo.

“Silencio!” Dumagundong ang boses ni Haring Galaxio “Pinatawag ko kayong lahat dito dahil sa inyong kaalaman may isang diyosa dito ang nagpakain ng banal na prutas, ang ambrosia”

Nagbulungan muli ang konseho ng mga bathala.

“Alam naman natin na ipinagbabawal ang pagkain ng mga mortal dito. Alam natin na hindi nila kakayanin ang lakas ng Ambrosia at maaring mawala sila sa sarili” Dugtong ni Haring Galaxio. “Ngunit gusto ko marinig ang pahayag ng diyosa na sumaway sa ating kautusan. Magsalita Ka BELLA!!!”

“Oo tama ka Haring Galaxio, Maaring Sinuway ko ang utos ng mga Bathala!” Katulad ng pagsasalita ni ate guy ang pagsalita ni Bella. “Pero alam ko na di ako nagkamali sa pagbigay kay Bobby ng Ambrosia. Dahil sa busilak ng kanyang puso ay alam ko na kaya niyang kontrollin ang Ambrosia”

“Nye Nye .. Kayang kontrollin ang Ambrosia” Singit ni Devonika na parang nang-aasar “Sa Palagay ko wala naman karapatan ang mga taong yan na kainin ang Ambrosia!”
“Ano ang kaibihan ng pagkain ng Ambrosia sa pagbibigay ng kapangyarihan ng ibang Bathala sa mga tao?” Tanong ni Bella “Si Selest, sigurado ako na sadya niyang inihulog ang bato ng kapangyarihan sa lupa. Ayun ano nangyari isinubo nung isang babae”

Medyo namula si Selest sa sinabi ni Bella dahil alam niya na guilty siya dito.

“Si Winrod, wag mong sabihin sakin na nadulas ka lang kaya nalaglag ang balaraw sa lupa. Buti nalang at di sinubo ng nakakita nito at ginawa nalang espada” Wika ni Bella.
“Aba nang dadamay pa ang damuhong ito” Pagtanggol ni Winrod.
“At isa pa, si Althea. Sino ba naman ang tanga na magtatago ng butil ng lakas sa loob ng puso ng saging. Yan tuloy nalaglag at may nakalunok nito” Madiin wika ni Bella.

Nagkagulo muli sa Bulwagan ng Kaharian ni Haring Galaxio. Nagbulungan ang mga Bathala at diyosa. Lumakas lalo ang boses ni Bella.

“Ang sa akin lang mga kapatid kong Bathala at Diyosa. Ano ang pinagkaiba ng pagbigay niyo ng kapangyarihan sa mga mortal sa pagpapakain ko kay Bobby ng Ambrosia? Wala? Di naman naging Bathala ng tuluyan si Bobby. Isa parin naman siyang mortal.”

Natahimik ang buong konseho sa sinabi ni Bella.

“Sa tingin ko may punto si Bella.” Sabi ni Seve.
“Tama, di lang naman si Bella ang nagbigay ng kapangyarihan sa mga mortal. Maging ako ay guilty rin dito” Pagsang-ayon ni Magras.
“Tama si Bella” pumalakpak si Baningning.

Nagpalakpakan ang buong konseho. Nagpag-isip si Haring Galaxio. Samantalang si Devonika ay naka-ismid at nang-gagalaiti kay Bella.

“Lagi nalang talagang agaw eksena tong si Bella, Hmft” Sa isip-isip ni Devonika. “Di bale di pa naman sumasang-ayon si Haring Galaxio”

Nang humupa ang palakpakan ay nagsalita si Haring Galaxio.

“Marahil ay may punto nga si Bella. Ngunit sinuway parin niya ang utos ng mga Bathala. Pinakain niya ang isang mortal ng Ambrosia” Dumadagundong ang boses ni Galaxio.
“Oo nga, mali” Sulsol ni Devonika.
“Pero napagtanto ko rin mabuti naman ang kinalabasan nito. Mapayapa ngayon sa daigdig at maraming buhay ang nasasalba! Kaya hahayaan ko na muna ito”
“HUUUUWWWWAAATTTT!!!” Sigaw ni Devonika “Hinde ito maari, dapat parusan yan si Bella!!” Galit na galit na wika ni Devonika.
“Magtigil ka DEVONIKA!!” dumagundong ang boses ni Haring Galaxio
“At ako pa ang mali ngayon. Patutunayan ko sa inyong lahat na dapat parusahan yan si Bella! At ikaw Bella lagi mo nalang ako inaagawan ng attention. Magsisi ka! Ibabalik kita sa burak na pinag-galingan mo!!”

Biglang nabalot ng kidlat at itim na usok ang katawan ni Devonika. Nagliyab ng itim na apoy ang mga mata nito at sa isang iglap lumipad ng parang kidlat pataas ng palasyo si Devonika. Naglaho siya ng parang bula. Tumahimik ang buong bulwagan. Biglang nag umubo si Bella.

“Eoowww, Talk about eksensa! Harharhar” Parang kolehiya na wika ni Bella.

Biglang nagsalita si Haring Galaxio.

“Tapos na ang pulong na to, Bella! Responsibilidad mo si Bobby. Ikaw ang lumikha sa kanya at dapat bantayan mo rin siya!” Utos ni Haring Galaxio.
“Masusunod po. Wag po kayong mag-alala” Sagot ni Bella.

Nagpaalam na rin si Bella sa mga Bathala at Diyosa na nasa bulwagan. Binalot siya ng liwanag at sa isang iglap ay naglaho narin siya.

KRRRRRRRRRRAAAAAAACCCCCCKKKKK!!! KZZZZZZTTTTTTTTTTTT!!!!

* * * * * * * * * *

Sa isang ospital lumabas ang resulta ng HIV test ni Ivan. Positive ito. Gumuho ang mundo ni Ivan. Minsan lang na pagtatalik sa isang lalaki na kala niya ay naka-jackpot siya.

Si Ivan Santos ay isang librarian sa isang pampublikong paaralan sa Maynila. Mahiyain at tahimik. Minsan nga ay kinatatakutan siya ng mga estudyante kasi kakaiba siya. Matangkad at may suot na makapal na salamin. Ang kasuotan niya ay napaglumaan na. Kadalasan ay pinagtatawanan siya ng mga estudyante sa likuran niya. Mag-isa nalang sa buhay si Ivan ang kanyang mga magulang ay namatay na nung bata pa siya. Lumaki siya sa tita niya at nung kalaunan ay humiwalay narin siya sa mga ito.

Bumalik lahat sa ala-ala ni Ivan ang gabi kung saan naloko siya ng isang lalaking may aids. Nakalipas na ang walong buwan nung mangyari iyon. Isang gabi na sobrang lakas ng ulan. May padating na bagiuo nun. Naghihintay si Ivan ng jeep na sasakyan papauwi ngunit sa lakas ng hangin at ulan ay kakaunti nalang ang nagbi-biyahe. Ginaw na ginaw na si Ivan sa waiting shed na kinatatayuan niya. Biglang may isang guapong lalaki ang sumilong din sa waiting shed. Napakamatipuno nito at napaka-kinis ng balat. Nakaw tingin niyang sinuri ang lalaki. Bakat na bakat ang maganda nitong katawan dahil sa basang basa narin ang suot nito na T-shirt. Di mawalay ang tingin ni Ivan sa lalaki. Marahil ay napansin narin ng lalaki ang tingin ni Ivan sa kanya at nginitian siya nito. Umiwas ng tingin si Ivan pero lumapit ang lalaki sa kanya.

“Grabe ang ulan no? Siguro may bagyo na parating” Wika ng lalaki
“Oo nga e. Narinig ko kanina sa radio na may bagyo na parating.” Wika ni Ivan.
“Ako nga pala si Michael. Just call me Mike” Pagpapakilala ng lalaki
“Nice to meet you, kahit ang lakas ng ulan” pangiting sagot ni Ivan “Ako si Ivan”
“Giniginaw na nga ako e, basang basa natong damit ko” Sagot ni Mike.
“Ikaw kasi sana nagdala ka ng payong” pabirong sagot ni Ivan.
“Di ko naman akala na uulan ng ganito, ang taas ng sikat ng araw kanina” wika ni Mike.
“Mukhang wala na tayong masasakyan dito. Siguro magtataxi nalang ako” nagaalalang sabi ni Ivan.
“San ka ba umuuwi?” Tanung ni Mike.
“Diyan lang sa may project 8” Sagot ni Ivan.
“Ah talaga. Gusto mo sabay nalang tayo kasi dun din naman ako papunta at least may kahati ako sa taxi” wika ni Mike.
“O sige. Maganda nga yun kahit papaano di malaki ang babayaran ko sa taxi” pangiting sagot ni Ivan.

Medyo kinakabahan si Ivan kung bakit ba naman siya pumayag sa kagustuhan ni Mike. Iniisip niya na baka holdaper yun at gusto kunin ang pera niya. Ngunit natutuwa rin siya dahil kahit papaano may nakilala siyang guapo na lalaki. Habang nasa loob ng taxi napakalamig ng aircon nito. Pinahiram ni Ivan ng jacket si Mike dahil sa sobrang ginaw. Napakatahimik sa loob ng taxi. Kumakabog ang dibdib ni Ivan. Si Ivan ay isa rin binabae ngunit tago ito. Ninanakawan niya ng tingin si Mike sa loob ng taxi. Napakaguwapo talaga nito. Nagulat nalang si Ivan ng gumapang nalang ang kamay nito sa tuhod niya. Muntikan na mapabalikwas si Ivan dahil di niya ito inaakala. Nasa isip niya ay sinuswerte siya ngayong gabing to. Patay malisya si Ivan sa nangyari. Sinabi niya sa driver na dun nalang siya sa kanto at maglalakad nalang siya papunta sa bahay nila. Pagbaba ng taxi nagulat nalang si Ivan ng bumaba rin si Mike.

“Pwede ba ko magpatuyo sa inyo? Kasi sobrang giniginaw nako e. Pupunta sana ko sa party pero di ko nalang itutuloy” Pakiusap ni Mike
“Sige, ako lang naman magisa sa bahay e” Sagot ni Ivan

Pagdating nila sa apartment na nirerentahan ni Ivan. Nagtimpla ng kape si Ivan pagbalik niya nagulat nalang siya dahil wala ng suot na pang itaas si Mike. Napatigil si Ivan at muntik na niya mabitiwan ang tray. Pagkababa ng kape hinagkan nalang siya ni Mike at pinaliguan siya ng halik. Nung una ay tumatanggi siya ngunit naging mapusok si Mike. Nagparaya nalang siya. Tuwang tuwa si Ivan sa nangyari dahil una palang niyang karanasan iyo. Kinaumagahan pag kagising niya wala na si Mike sa tabi niya. Tinignan niya kung may nawala sa mga gamit niya pero wala naman. Di alam ni Ivan na may iniwan si Mike sa kanya at yun ay ang sakit na meron siya.

Tulirong umuwi si Ivan mula sa ospital. Hinde niya alam ang gagawin. Habang papauwi palang ay iyak na siya ng iyak. Tinatanong ang diyos kung bakit siya pa ang nagkaroon ng sakit na to. Bumuhos ang napakalakas na ulan. Naalala niya muli ang nangyari sa kanila ni Mike. Basang-basa na pumasok si Ivan bahay. Nagwala siya. Pinagbabasag niya ang lahat ng mga gamit. Pinagpupunit ang mga gamit. Nakita niya ang isang bubog sa sahig. Pinulot niya ito at nilaslas ang kanyang pulso. Inisip niya na wala naman silbi ang buhay niya. Puro puot nalang ang naiwan sa puso ni Ivan. Walang nagmamahal sa kanya. Walang na makakatulong pa sa kanya.

Isang itim na apoy at kidlat ang lumabas. Isang magandang babae naka itim ang lumabas dito.

“And what do we have here?” Wika ni Devonika.”Alam mo dapat di mo sinasayang ang buhay mo!”
“Sino ka? Ano ka? Wag kang lalapit!!” Nagtataka si Ivan kung sino ang babae.
“Ay nakalimutan ko. Ako nga pala si Devonika ang pinakamagandang diyosa sa buong kalawakan!” Sagot ni Devonika.
“De … de … Devonika?” takot na wika ni Ivan. “Ikaw ba si kamatayan?”
“Gagah! Mas maganda ko dun! Mukha ba akei na bungo? Wahahaha!” Insulto ni Devonika.
“Ano kailangan mo sakin?!” Tanong ni Ivan na unti-unti nang nanghihina.
“I’ll make you a deal. Bubuhayin kita muli pero magiging alagad kita, Magkakaroon ka ng ibayong lakas pero akin na ang kaluluwa mo!” Sigaw ni Devonika.”Beside you’re damned for eternity kc nagsuicide ka! Hahaha”

Nanghihina na si Ivan. Hindi niya alam kung ilusyon lang ang nakikita niya. Pumasok sa isip niya na wala na siyang paki-alam pero naisip niya ang kapangyarihan na pede ibigay sa kanya ni Devonika. Puno narin ng puot ang puso niya. Gusto niyang balikan si Mike. At gusto niya rin lipulin ang mga tao. Gusto niya ipakita na may kwenta siyang tao.

“So ano Ivan? Is it a deal or No deal!? Hellew Banker? Bwahahaha” Tanong ni Devonika.
“Sige pumapayag nako…” Unti-unti nang pumipikit si Ivan.

Mula sa sinturon ni Devonika, kinuha niya ang isang sisidlan. Kinuha niya ang isang butil na kumikislap at umiilaw ng kulay ube. Isinubo niya yon kay Ivan at nilunok niya ito. Pakiramdam ni Ivan na parang sinusunog ang buo niyang katawan. Ngunit parang unti-unting bumabalik ang lakas niya at higit pa. Biglang lumipad sa ere si Ivan. Nagkikisay. Ang buhok niya na dating kulay itim ay naging kulay abo. Binabalot siya ng kidlat at itim na apoy. Ang itim ng kanyang mata ay unti unting naging kulay puti. Binalot siya ng kasuotang kulay puti. Tumikas ang pangangatawan niya. At bigla nalang siyang bumagsak sa ere. Ang kanyang kinatatayuan ay animo’y nag-aapoy at may mga usok na lumalabas sa kanyang talampakan. Naging matipuno ang buo niyang katawan. Lumabas ang kaguwapuhan ni Ivan.

“Bwahahahaha!!! Ikaw na ngayon ang bago kung alagad. Ikaw na si Plague!” Pagmamalaki ni Devonika.

Sabay silang tumawa ni Devonika. Balak nilang guluhin ang mundo. Balak nilang tapusin si Zuper Zion! Eto na ba ang magiging katapusan ni Bella at ni Bobby.

No comments: