Friday, September 22, 2006

KABANATA 4. Ang Pagsasanay


H
indi makapaniwala si Bobby sa nakita niya. Nagpaikot-ikot siya at pinagmamasdan ang sarili. Sa sobrang tuwa niya ay naisayaw niya ni Bella sa bulwagan ng kaharian nito. Di namalayan ni Bobby na lumilipad na pala sila ni Bella sa hangin.

“Mother, Maraming Salamat! Sa dami ng mga tao dito sa mundo ako pa ang napili mo para maging mandirigma mo” Pasasalamat ni Bobby.
“Walang anuman Bobby, Matagal ko nang sinusubaybayan ang buhay mo simula nung bata ka palang” Sagot ni Bella “Alam ko ang mga pasakit na naranasan mo sa buhay. Pero iba sa mga ibang tao, kahit na gano kahirap ang naging buhay mo ay di ka parin naging madamot sa iyong kapwa, Napakabusilak ang puso mo Bobby."

Ngumiti lang si Bobby at dahan dahan silang bumaba sa sahig ng bulwagan. Bumalik siya sa harap ng salamin.

Lumapit si Bella sa kanya.“May nakakalimutan ka pa Bobby! Wala ka pang costume! Kailangan malakas ang arrive mo!” Ika ni Bella.
“Pero Madam Bella! Di ako marunong manahi, Baka kayo marunong? Sastre ka rin ba hihihi” Palabiro ni Bella.
“Aba! Aba! Aba! Baka nakakalimutan mo iho na diyosa inech!” Wika ni Bella.
“Ay oo nga pala. Hihihi Kasi sobrang excited ako nakalimutan ko bigla.” Hagikgik ni Bobby. “Mother! Pede ba kulay pula yung costume ko? Kasi Idol ko si Darna gusto ko hapit na hapit!Parang Boldstar yung dating!Uh Ah Yeba”Nagpo-pose pa si Bobby na parang Model sa tabloid.
“Syempre, pipili tayo ng magandang costume para sayo at dapat yung the best! Yung pang-hollywood” Wika na Bella “Dapat kabugin mo si Darna at si Wonderwoman!”
“Korak! Ano pa hinihintay ng Mudra ko! Fire Away!” Bulalas ni Bobby.Lumayo ng konti si Bella.

Iwinagayway niya ang kanyang kamay. Isang liwanang ang lumitaw sa ibabaw ng ulunan ni Bobby. Tila isang maliit na araw sa liwanag. Biglang may lumabas na maliliit na parang mga alitaptap dito at dumikit sa katawan ni Bobby. Nang dumikit ang mga ito sa buong katawan ni bobby ay kumalat ang liwanag sa katawan ni Bobby. Para bang nasusunog ang na papel kung titignan pero pabaligtad. Nagdikit-dikit ang mga ito na parang nagbubuo ng isang tela at hapit na hapit sa katawan. Nang nawala ang mga tilang baga ay nagpalit ito ng kulay mula sa puti ay unti unti itong naging kulay pula. Sleeveless na spandex ang nabuo mula dito. May malaking parang punit ang mula sa balikat pupunta sa pusod ni Bobby. Hindi pa ito nagtapos dito, Isang gintong trunks ang nabuo. Mula sa talapakan niya ay umangat bigla si Bobby. Nagsimula ulit na umikot ang tila maliliit na apoy. Isang ginintuang boots ang lumabas at putusok ang nasa bandang tuhod. Isang gintong likido ang pumalupot sa mga braso ni Bobby. Ito ay tumigas at kuminang sa kintab. Lumitaw sa hangin ang dalawang gintong gloves at ito sumuot ito sa kanyang mga kamay. Sa kanyang leeg, Isang gintong choker ang nabuo at unti unti itong lumapad at naging isang ginintuang kapa! Dahan-dahang nawala ang mga mumunting apoy. Tumingin sa kanyang sarili si Bobby. Lumapit siya sa salamin.

“Bwahahaha!!! Mudra! Para kong galing Dubai nitoh. Ang daming ginto. Baka maholdap naman ako nito.” Halakhak ni Bobby “Pati brief ko ginto! Medyo mabigat siya Madam Bella. Hihihi Napaka-OA sa ginto naman nito”
“Aba Bakla! Dapat di ba sabi ko sayo bongga!” Pagmamalaki ni Bella.“Hmmm. Actually, Basically and Mutually! Maganda siya maganda yung Sleeveless na spandex at may punit na drama effect. And this ‘Come Fuck me Boots’ panalo … Pero Madam ok lang ba kung medyo palitan natin ng konti.” Wika ni Bobby.
“Hmmmpft! Bahala ka na nga kaya mo naman palitan yan ng gusto mo e!” Naiiritang sagot ni Bella “Isipin mo lang ang gusto mo at hawakan ang gusto mong palitan.”
“Thank you Mother! You’re so kind talaga kaka-asar … hihihi” Bungisngis ni Bobby.

Huminga ng malalim si Bobby at tinapik ang kapa sa kanyang braso at sa isang iglap naglaho ng parang bula ang choker at kappa na ginto. Hinatak niya ang boot na hanggang tuhod, nagmistulang plastik ito. Ini-angat niya mula tuhod ito hanggang sa halos umabot na ito hanggang singit. Tinapik din niya ang gintong trunks na suot niya at naglaho ito bigla. At para sa final touch! Hinawakan niya ang takong ng boots nya para tumaas ito ng dalawang pulgada.

“Whadya think? Ok ba?” Pagmamalaki ni Bobby.Habang naka-irap ay sinulyapan ni Bella ang bagong costume ni Bobby. Napawi ang inis sa mukha nito at napalitan ito ng ngiti.
“Hahaha! Bakla ka nga Bobby! You have style” Halakhak ni Bella. “Iiiyyyeee, kaasar!” Parang kolehiyalang wika ni Bella.

Naghawak sila ng kamay at naglulundag sila ng parang bata. Dumadagundong sa buong kastillo at nagsilaglagan ang mga ornamento sa buong kastillo. Hinde pa masyadong ma-control ni Bobby ang kanyang kapangyarihan. Tumigil sila at ngumiti nalang. Sinabi ni Bella na magpahinga na muna at kinabukasan ay magsasanay na sila.Nagpalit ng anyo si Bobby, Pabalik sa kanyang tunay na sarili. Nung gabing yun habang nakahiga si Bobby ay di parin siya makapaniwala sa mga pangyayari. Naisip nya na napaka-bilis ng mga naganap sa kanya. Nawala na sa kanya ang lungkot na naramdaman sa kanyang puso. Napalitan na ito ng saya at pag-asa para sa kanya at para sa sanlibutan.Kinaumagahan ay nagtungo sila Bobby at Bella sa ibabaw ng bundok kung saan sila dumating. Tulad ng dati ay namangha si Bobby sa ganda ng mundo ni Bella. Napagtanto niya na hindi talaga panaginip ang mga ito. Nagpalit na ng anyo si Bobby. Suot-suot ang kanyang magandang baro buong tapang niyang haharapin ang pagsasanay na inihanda ni Bella para sa kanya.

“Ang una nating sasanayin ay ang iyong paglipad” Wika ni Bella “Kaya mo lumipad ng mabagal at kaya mo rin lumipad ng parang kidlat sa bilis!”
“Serious ang Mudra ngayon!” Pabirong wika ni Bobby.“Hindi ito panahon sa pagbibiro Bobby!” Utos ni Bella.
“Pasensya na po mother Bella” Nahihiyang sagot ni Bobby.
“Ang una among gagawin ay lumundag ka, ito ang magiitsa sayo para makalipad ka” Sambit ni Bella. “Isipin mo lang na para kang lumalangoy”

Ginawa ni Bobby ang ipinayo ni Bella. Lumundag siya at yun nga siya ay nasa ere na. Sinanay niya muna ang sarili sa pagikot ikot sa mundo ni Bella. Sa maikling panahon ay nagamay na niya ang paglipad. Pati ang paglipad ng mabilis ay nagawa na rin niya. Kung nung una ay lagi siyang humahambalos sa mga puno ay ngayon ay di na.Sinanay din siya ni Bella mga iba’t ibang martial arts. Kung Fu, Taekwondo, Jujitsu, at fujitsu (ay! Appliance pala yun). Gulat si Bobby dahil napakadali niyang natutunan ang mga ito.Pati pag-gamit sa mga elemento ay kanya rin natutunan. Kayang kaya na ni Bobby ang Magpalabas ng apoy, tubig, hangin at kidlat. Hindi lamang yon, kaya niya itong ihugis sa kahit na ano pang anyo na gusto nya. Pati ang pang control sa lupa ay kanya rin nagawa, sa isang tadjak sa lupa ay nakakagawa siya ng lindol at paangatin ang lupa kung ninanais niya. Madami pa siyang nalaman sa kanyang kapangyarihan. Animoy isa narin diyosa si Bobby dahil kung titignan ay lahat ay kaya niyang gawin.Lumipas ang mga ilang buwan at naging gamay na gamay na ni Bobby ang kanyang kapangyarihan. Handa na si Bobby na harapin ang mga masasamang elemento sa mundo. Isa na siyang ganap na mandirigma ni Bella.

“Natutuwa ako sayo Bobby! Sa napaka ikling panahon ay napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay ko.” Panahon na para ikaw ay bumalik sa lupa at supilin ang lahat ng masasama”
“Madam Bella, Napakarami ko pong natutunan sa inyo at wag po kayo mag-alala dahil ko kayo bibiguin” Buong pasasalamat ni Bobby.
“Ngunit may papa-alala lang ako sayo Bobby. Nananalaytay na sa dugo mo ang Ambrosia. Napakamakapangyarihan nito. Pagingatan mo ang iyong emotion dahil sa pag di mo ito na-control ay mamaari mawala ka sa sarili at lamunin ng Ambrosia ang buo mong pagkatao” Paalala ni Bella. “Magiingat ka rin dahil di ka isang lubusang naging diyosa dahil patay ka ng kainin mo ito, ay maari ka paring mamatay muli.”
“Tatandaan ko po yun Mother!” Sagot ni Bobby. “Pero Madam Bella me nakakalimutan ata tayo, diba lahat ng superhero may pangalan tulad ni Darna, ni Captain Barbell at kung sinu-sino pa! Dapat me screen name ako.”
Nagliwanag ang mukha ni Bella “Oo nga pala no? hihi. Dapat kasing Bongga ng costume mo at kapangyarihan mo ang pangalan mo” Pagiisip ni Bella “Ano kaya kung wonderb?”“Hay nako mother masyado naman konyotik yan nasa isip mo” Nakapamewang na sabi ni Bobby.
“Sige nga ikaw! May naiisip ka na ba?” Irap ni Bella.
“ E kung Diwating! O diba badet na badet? Maliit na diwata!” Bulalas ni Bobby.
“Napaka-Kyoho naman nun. Ang baho ng name na yun, di ko carry.” Pabirong sabi ni Bella.
“Oo nga no! Ang bantot! Hihihi” Hagikgik ni Bobby.“Dapat kasing tibay ng isang bloke ng semento!” Wika ni Bella
“Parang narinig ko na sa commercial yan.” Dugtong ni Bobby.

Nagpaikot ikot si Bobby at Bella sa loob ng bulwagan ng kastillo. Nagiisip ng magandang pangalan para kay Bobby. Nadulas bigla si Bella, sa kanya pagkakadulas ay nadamay si Bobby. Sabay silang bumagsak sa sahig di mawari ni Bobby biglang tumaginting sa tenga ang pangalang …

“ZUPER ZION!” Bulalas ni Bobby.(tamang baybay ay ga-le-bi-troz)
“ZUPER ZION?” pagiisip ni Bella.
“Yes Mother! It’s perfect! Zuper Zion meaning Super Heaven divah?. It sounds tough and classy diva? Ginawa ng Langit! Galing sa Langit at Dadalhin ko lahat sila sa ikapitong langit hihihi. Call me ZZ for short hehehe” Pagmamalaki ni Bella“Hmmmm. Love it! Love it!” Tuwang tuwang wika ni Bella. “Kung ganon simula ngayon ikaw ay makikilala sa pangalang Zuper ZION!”

Ikinumpas ni Bella ang kanyang kamay. Dalawang kidlat ang lumabas mula sa langit at tumama sa braso ni Zuper ZION at natunaw ang ginto ay naghugis ng selyo na dalawang letrang Z.

“Sa tingin ko ay handa ka na Zuper ZION para bumalik sa lupa!” Wika ni Bella “Humayo ka! Zuper ZION! Ang bagong mandirigma ni Bella!”

Tumindig si Zuper ZION. Napakatikas niya, mapababae or lalake ay siguradong mahuhulog ang loob sa kanya. Lumundag si Zuper ZION at lumipad ng mabilis na mabilis. Unti-Unting naglaho ang kaharian ni Bella. Biglang nagdilim ang paligid.Biglang bumangon si Bobby, umaga na sa lupa. Ang ilang buwan na ipinalagi niya sa mundo ni Bella ay isang magdamag lang sa lupa.

Kumatok ang ina ni Bobby sa pinto.“Anak gising na. Magbubukas ka pa ng Bakery” Wika ng ina
“Opo, Mamu, eto po babangon na” Sagot ni Bobby.

Bumangon si Bobby at nasilayan niya ang sikat ng araw. Alam ni Bobby na ang umaga na ito ay di tulad ng ibang umaga na nagisnan niya. Isang bagong umaga para kay Bobby bilang si ZUPER ZION!

No comments: