Saturday, September 09, 2006

KABANATA 3: Ang Pagbabagong Anyo


S
a ibabaw ng bundok ay tanaw na tanaw mo ang buong kapaligiran. Napakaganda ng paligid at banayad ang ihip ng hangin. Sa paligid ay napakaraming mga bulaklak. Iba-iba kulay me turquoise, lilac, dandelion, sirilion at kung anu-ano pang mga kabaklaan na kulay ng bulaklak. Naisip ni Bobby na napakalawak ng lupain na ito. Sa paanan ng bundok ay makikita ang isang lawa at sa gitna nito ay may isang isla. Sa ibabaw ng isla ay at may isang puting kastilyo. Nagnining ito kahit na kalagitnaan ng araw. Kung nakapapunta ka na ng tagaytay ay marahil maihahalintulad mo ang lugar na ito. Subalit mas maganda ito ng di hamak ng sampung beses. Ang langit ay kulay asul at may mga tagak na lumilipad dito. Nawala lahat ng mga hinagpis ni Bobby sa buhay dahil sa ganda ng lugar.

“Nasan na tayo. Madam Bella?” Tanung ni Bobby.
“Nandito tayo ngaun sa Kaharian ko, Ang kaharian ng Bellandia” Sagot ni Bella.
“Napaganda ng kahirian mo, Madam Bella” papuri ni Bobby.
“Halika Bobby, Pumunta tayo ngaun sa kastilo ko” Sabi ni Bella.

Dahan-dahang umangat sa ere si Bella. Napakagandang tanawin ang paglipad ni Bella Star. Hinahangin ang puti nitong damit at ang ginintuan buhok nito. Nagulat nalang si Bobby nang maramdamang lumilipad narin siya sa Ere. Itinaas niya ang isang kamay at isang binti. Tulad ng mga ibang superhero pag-lumilipad.

Habang lumilipad sila papuntang kastilo.

“Mother, Isa rin ba ito sa mga kapangyarihan ko? Ang paglipad?” Tanung ni Bobby
“Oo naman” Sagot ni Bella
“Wow! Talaga makakapunta nako sa Paris! Balita ko guapo daw mga mhin dun! Hehehe” Bulalas ni Bobby.
“Aba ang bakla! balak pang rumampa sa France!” Natatawang bigkas ni Bella. “Ewan ko lang kung me panahon ka pang gawin yun pag nagsimula ka ng tumulong sa mga tao” dugtong ni Bella.

Di namalayan ni Bobby na nasa tapat na pala sila ng kaharian ni Bella. Dahan-dahang bumaba si Bella sa tapat ng kastilo. Dahil di pa gamay ni Bobby ang paglipad ay dire-diretso siya sa pinto ay humampas ang buong katawan niya dito. Parang bangaw na dumikit sa windshield ang itsura ni Bobby. At lumagapak siya sa lupa. Bumangon siya at lumapit kay Bella.

“Aruy! Sakit ng katawan ko para kong sinagasaan ng mga kalabaw!” Daing ni Bobby.
“Haha! Wag ka mag-alala mawawala agad yan sakit. Magagamay mo din ang paglipad!” Tawa ni Bella “Halika sumunod ka sakin.

Namangha si Bobby sa laki ng pinto ng kastilyo ni Bella. Ito ay gawa sa mga kristal at ang mga gilid nito ay kumikinang sa pilak. Habang papalapit si Bella sa pinto bigla nalang naglaho ang pinto na parang bula. Pagpasok nila sa loob ay bumulaga sa kanila ang napakalaking hagdan. Sa dulo ng hangdan ay nakita ni Bobby ang isang ginintuang trono. Ang buong paligid ay gawa sa Kristal. Kulay asul ang paligid, animoy umiilaw ang mga ito. Pati ang sahig ay gawa sa Kristal. Sa ilalim nito ay makikita ang tubig na nasa ilalim nito. Tuwang-tuwa si bobby dahil iba’t ibang klase ng isda na lumalangoy.

“Madam Bella! Panalo ang kastilyo mo.” Papuri ni Bobby.
“Salamat Bobby.” Sagot ni Bella “Ngayon malalaman mo ang natatago mong kapangyarihan” Wika ni Bella “Sasanayin kita, bago ka rumampa sa daigdig”
Tumango lang si Bobby. Excited ang muher sa magtutuklasan niyang mga kakayahan.
“Ang una, kaya mong magpalit ng anyo sa ano mang itsura na gusto mo. Pwede kang pumili ng gusto mong anyo sa pakikipaglaban.” Dagdag ni Bella.
“Kahit na anong itsura ay pwede ko gawin?”
“Oo, kailangan mo din magbago ng anyo para di ka makilala mga tao. Bilang protection mo narin at sa mga minamahal mo” Sagot ni Bella. “Habang nakikipaglaban ay kaya mo rin magbago ng anyo na naaangkop sa sitwasyon, pero saka na yun”
“Ang importante ngayon ay makabuo ka ng image! Yung itsura na kikilalanin ka ng mga tao. Ang costume mo na dapat ay bongga! Ung tipong pang-production number”
“Gusto ko ung madaming sequins! Yung makintab! Yung parang contestant ng Flying Diva!” Bulalas ni Bobby.
“Magsimula na tayo! Mandirigma ni Bella!” Utos ni Bella”Ikumpas mo ang kamay mo ng parang magsusulat ka ng malaking letrang B at kumembot ka ng parang sexbomb. Sabay sigaw ng Sangalan ng Pinakamaganda at delicious na Diyosa si Bella. Ako ang tagapangtanggol ng sanlibutan! Kristal Power MUK-UP!!!” Sigaw ni Bella.
“Oo nga Mother, Parang production number. Magpapalit lang ako ng anyo parang opening na ng Master showman! Sana dinagdag mo narin, “walang …. TULUGAN!” hihihi” Bungisngis ni Bobby.
“Hmmm, actually umikot ka lang pede ka na magpalit ng anyo. Hihihi” Sagot ni bella.
“Syempre dapat may drama ang pagpapalit ng anyo mo noh! Wag ka nang magreklamo donya!” Ani Bella.
“E baka naman kc bago ko makapagpalit ng anyo pinatay nako ng kalaban.” Wika ni Bobby.
“Hay wag ka na maginarte. Basta isipin mo lang kung anong istura gusto mo at bigkasin mo sinasabi ko wag na masyadong madaming tanong!” utos ni Bella.
“O sige na nga!” sagot ni Bobby. “Here goes nothing.” Dugtong ni Bobby.”

Itinaas ni Bobby ang kanan kamay at ikunumpas ito ng letrang B. Sabay kembot ng parang sexbomb.
“And a ONE and a TWO and a THREE!! Single, single, double-double!”
“Sangalan ng Pinakamaganda at delicious na Diyosa na si Bella. Ako ang tagapangtanggol ng sanlibutan! Kristal Power MUK-UP!!!” Sigaw ni Bobby.

Biglang tinamaan ng kulog si Bobby at isang ipo-ipo ang bumalot sa kanya. Umikot siya ng sobrang bilis halos di mo na makita ang itsura niya. Binalot siya ng makapal na usok. Biglang tumigil ng ikot si Bobby. Napawi ang usok sa paligid.

“Yun na yun? Parang walang pinagbago?” Tanung ni Bobby.

Napangiti si Bella. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at lumabas mula sa ilalim ng sahig ang isang Kristal na salamin.

“Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Bobby.” Wika ni Bella.

Dahan-dahang lumapit si Bobby sa salamin. Laking gulat nito. Pumayat siya at di lang payat. Ang lalaki ng muscles nya. Meron pa syang six packs. Parang modelo ang itsura ni Bobby. Pantay na pantay ang pagka Moreno ng kanyang balat. Naka-gel na ang buhok niya at may highlights na ginto. Kung tititigang mabuti ay kahawig ni Bobby si Marc Nelson. Umikot bobby at nakita na pati ang pwet niya napaka-ganda ng hubog. Tumingin siya sa ibang parte ng katawan niya ….

“IEEYYYYYYY!!!! PAKSYET!! NAKIKITA KO ANG KAYAMANAN KO! TAGAL KO NA DI NAKIKITA TO!” Sigaw ni Bobby.

Tuwang-tuwa si bobby at naging matipuno ang itsura niya. Naisip niya nga na parang tumangkad siya ng ilang pulgada. Nagbago na nga ang anyo ni bobby. Di niya maipaliwanag ang labis na tuwa na nararamdaman. Di lang itsura ang nagbago kay bobby kundi ang kompiyansa narin nya sa kanyang sarili.

Itutuloy …