Friday, September 08, 2006

kABANATA 2 :: Muling Pagkabuhay

Isang malakas ng paghinga ni Bobby at bigla siyang namulat. “HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!” Sigaw ni Bobby
“NURSE!!!” sigaw ng doctor sa hospital

Nagulat ang doctor na nabuhay ulit si Bobby. Dali dalian nilang tinignan si Bobby. Ang pakiramdam ni Bobby ay parang naglakad siya mula Bataan hanggang Maynila (Death March). Nilagyan siya ng oxygen mask at pinakiramdaman ng doctor ang kanyang pulso. Sa sobrang pagod ay nawalan na ng malay si Bobby.

“I think he is already stable” Wika ng doctor.

Nang i-mulat ni Bobby ang kanyang mga mata nakita na nasa tabi niya ang kanyang ina. Nasa loob na pala siya ng kuarto ng ospital. Naalala ni Bobby ang pagkikita nila ni Bella. Naguluhan ang kanyang isip kung isa lamang ba na ilusyon ang kanyang nakita. Naisip nya na maari nga na isa lamang itong panaginip. Muli siyang napatingin sa kanyang ina at hinaplos nito ang buhok nito. Biglang na-alipungatan ang kanyang ina.

“Bobby, Anak. Kala ko ay magiisa nalang ako sa buhay” ani ng ina ni bobby
“Mamu naman! Iiwanan ko ba naman kau.” Wika ni Bobby. “E kau na nga lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.” Dugtong niya.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ng ina.
“Mabuti naman po. Sa laki ko ba naming ito.” Paliburong sabi ni Bobby.

Biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ni Bobby. Ang doctor ni Bobby kasama ang mga nurse.

“Hello. Good Morning. How are you feeling today?” tanung ng doctor
“Ok naman po Doc!” Sagot ni Bobby
“Well I have good a news for you. Pede ka na lumabas anytime. We’ve run some test and it’s pretty amazing how fast you recovered” Sabi ng doctor. “You had stroke but it was a miracle that you survived, base dun sa ECG mo healthy na ung puso mo. Pero siyempre kailangan parin mag-ingat.”
“Ganon po ba. So maari nako makalabas ngayong araw na to?” Tanung ni Bobby
“Yes. I’ll ask the nurse to fix your discharge form” sagot ng doctor “But I have to warn you. Iwas ka na sa mga matatabang pagkain ha”sabi ng doctor.
“Opo Doc!” Pangiting sagot ni Bobby “Narinig niyo yon Ma! Ok na daw po ko”

Nung araw din nayon ay lumabas na si Bobby sa ospital. Naging normal na uli ang buhay ni Bobby. Ngunit di na muna siya nag-chat sa internet. Inisip na na mas mabuti na muna ang ganon at ayusin ang kanyang buhay. Ibinuhos niya ang kanyang mga araw sa pagtratrabaho sa bakery. Minsan ay sinubukan niyang i-text si Matt pero di ito sumasagot. Muli ay naging miserable ang kanyang buhay.

Isang araw nang malapit na magsara ang bakery nila. Suot suot pa ni Bobby ang Fuchsia Pink niyang blouse. Nang biglang may 3 lalaki ang nagpunta sa kanilang bakery.
“Lilet! Bigyan mo nga ko ng sampung pisong Spanish bread!” Sigaw ng isang mama.
“Di po Lilet ang pangalan ko” sagot ni Bobby
“Di ba? Kala ko Lilet! Kc Liletsunin itsura mo e! Bwahahaha” Halakhak ng mama
“Mama! Kung wala kaung magawang matino umalis nalang kau! Di po kami nagbebenta sa mga taong pangit!” Sigaw ni Bobby.
Biglang naglabas ng baril ang mama at itinutok ke Bobby.
“Tarantadon Bakla ka! Akin na pera mo! HOLDUP to!” Sigaw ng mama.

Di alam ni Bobby kung ano ang pumasok sa kanyang isip. Sinubukan niyang agawin ang baril ng mama. Ngunit naitulak siya nito. Bumagsak si Bobby sa lapag. At itinutok ng mama ang baril sa kanya. Sa isang iglap …

“BANG! BANG! BANG!” tatlong putok ang umalingawngaw sa bayan nila Bobby.

Kala ni Bobby ay katapusan na niya yun. Ngunit laking gulat niya. Inisip nya na makikita niya ang dugo sa kanyang damit pero butas lang ang nakita niya. Pati ang mga taong bumaril sa kanya ay nagulat!

Tumayo si Bobby.”Walang hiya kang hitad ka!” sigaw ni Bobby. Biglang pumasok sa isip na Bobby na sumigaw. Isang napakalakas na hiyaw ang lumabas sa kanyang bunganga. Parang isang libong baboy na sabay sabay sumigaw!

“WWWWIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEYIIIIIIIIIIIIIHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH” Sigaw ni Bobby

Nagbasagbasag ang salamin sa display ng mga tinapay. Sumabog ang monay, pandelimon, tasty at kung anu-ano pang tinapay sa paligid. Ang tatlong mama ay tumilapon papalayo sa bakery. Ang mga tibo ng salamin ay nakatusok sa buong katawan nila. Gulat na gulat si Bobby sa mga pangyayari. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis at dinampot ang tatlong lalaki.

“Ano pong nangyari dito? Ako nga po pala si SP03 Magtanggol” Tanong ng matipunong pulis.
“E kc tong tatlong kontrabidang toh! Tinutukan ako ng baril, gusto ba naman holdapin yung panaderia namin!” Sagot ni Bobby
“Buti nalang at walang nangyari sa inyo” pag-alala ng pulis
“Ay naku, SPO Pogi salamat sa concern mo. Hihihi” malanding sagot ni Bobby
“Bakit nga pala nagbasag basag ang mga display niyo at nagkasabog sabog ung mga tinapay” Urirat ng Pulis
“Errrrr, Ehm, kc pinagbabaril nila yung bakery. Buti nalang at marunong ako mag kung-fu! Sinipa ko sila tas sinayd-kick! Yah! Pow! Yah!” Pagmamalaki ni Bobby
Medyo napangiti ang pulis.”Ganon po ba, Buti nalang kc matagal na naming pinaghahanap tong tatlong tulisan nato. Wanted po sila sa panghoholdup d2 sa bayan natin”
“Talaga? Wala ba kong reward? Echuza!” palabirong wika ni Bobby.
“Meron po. Maari po ba kaung sumama sakin sa police station. Para makapag-file ng report at makuha narin yung reward niyo” Ani ng Pulis.
“Hinde wag mo na ibigay yung reward nagbibiro lang naman ako. Pero sige sasama nako sa pulis station para maireport tong mga gung-gong na to!” Wika ni Bobby.

Kinagabihan. Hinde parin maalis sa isip ni Bobby ang mga pangyayari. Napawi ang lumbay na kanyang nararamdaman. Bigla niyang naalala si Bella Star.

“Totoo kaya na kumain ako ng Ambrosia?” sa isip isip ni Bobby “Kung totoo yun. Siguro madami pa kong kayang gawin.”

Tumitig si Bobby sa vase ng bulaklak na nasa kuwarto niya. Sinubukan niyang i-angat ito gamit ang kanyang utak. Matatagal na titig. Namamawis na siya.

“Leche! Di gumagana! Hay naku” Bigong wari ni Bobby

Aksidente niyang naikumpas ang kanyang kamay at ito’y biglang umilaw! Isang kidlat ang lumabas sa dulo ng mga kamay niya at sumabog ang vase sa harapan niya. Natulala si Bobby sa mga pangyayari. Biglang may kumatok sa kuwarto niya.

“Bobby, Ano nangyayari diyan” pagalalang tanong ng kanyang ina
“Wala po Mamu! Nalaglag lang yung vase d2 sa kuwarto, matulog na po kayo.” Sagot ni Bobby.
“O sige. Linisin mo yan at baka matibo ka ha. Tapos magpahinga ka na.” wika ng ina ni Bobby.

Tuwang-tuwa si Bobby sa nangyari. Napatunayan niya sa sarili na may kapangyarihan nga siyang tinataglay. Di siya makatulog nung gabing yun. Alam niya na madami pa siyang kailangan malaman tungkol sa tinataglay niyang kapangyarihan. Nang biglang!

KRRRRRRRRRRRRRAAAAAAAACCCCCCCCKKKKK!!!!! KZZZZZZZZZIIIIITTTTTT!!!

Lumabas sa kawalan si Bella Star. Gulat na gulat si Bobby. Nagpapatunay lang na totoo ang lahat ng mga nangyari sa kanya.

“Nagustuhan mo ba ang mga taglay mong kapangyarihan?” Tanong ni Bella
“MAMA! Waging wagi ang binigay mong gift sakin” Bulalas ni Bobby “Maraming maraming salamat.”
“Pero let me remind you, Great Power comes great responsibility” Wika ni Bella.
“Parang napanuod ko na yan! Hihihi” Bungisngis ni Bobby
“Hindeh ako nagbibiro! Gagah!” Sigaw ni Bella
“Sorry po, nagbibiro lang ako.” Napawi ang ngiti sa mukha ni Bobby “Wag kau masyadong maingay baka marinig tayo ng nanay ko.” Wika ni Bobby.
“Wag ka magalala. Ginawa kong sound proof tong kuarto mo para walang makarinig satin na naguusap” sagot ni Bella
“Maghanda ka! Mandirigma ni Bella. Ikaw ay aking pagsasanayin para magamay mo ang mga taglay mong kapangyarihan!”

Umikot ang buong paligid. Tila nasa loob sila ng isang ipo ipo at sa isang iglap nagulat nalang si Bobby at nasa ibabaw na sila ng bundok. Lumulutang sila sa hangin at dahan dahan silang bumaba sa lupa…


Itutuloy ...

KABANATA 1 :: Ang Pagsisimula

Tak! Taka! Takataka! Click! Tak! Tak! Tak! Takataka! Tak!
Sa bawat gabi nalang sa buhay si Bobby eto nalang ang maririnig sa kanyang kwarto. Ito ang tunog ng kanyang kompyuter. Gabi-gabi siyang nagchat sa internet upang makahanap ng lalaki na maaring magmahal sa kanya. Ngunit lagi siyang bigo …

Si Bobby ay isang bakla, binababae, badaf. Lahat na maaring itawag sa isang lalake na gustong makipag-relation sa isang lalake. Simula nung maliit palang siya alam na niya na kakaiba siya. Di tulad ng mga ibang batang lalake na mahilig sa baril-barilan, namulat si Bobby na manyika ang hawak. Eto naman ay tanggap ng kanyang ina. Bata pa lamang siya ay naulila na siya sa Ama. Silang dalawa lang ng kanyang ina ang naging magkatuwang sa buhay. Ngunit iba sa mga bakla si Bobby, Siya ay lumaki ng MALAKI. Mataba si Bobby. Lahat na ata ng panlalait sa kanya ay narinig na niya. Baboy, Lumba-lumba, aparador at kung ano ano pang masasakit na salita. Lumaki siyang nagiisa. Kahit nandyan ang kanyang ina di maitatago ang lubos na hinanakit ni Bobby. Sa kabuuan di naman kasamaan ang itsura ni Bobby. Matangkad siya. Maputi at matangos ang ilong. Madami nga ang nagsasabi na hawig daw niya si Nino Muhlach. Binuhos niya sa pagkain ang mga hinanakit niya sa buhay. Ito lamang ang nagpapaligaya sa kanya.

Ting! “hello ctc? What’s ur ASL” lumabas sa monitor ng kanyang kompyuter.
“Uy, may nag message sa kin.” Kilig na isip ni Bobby.
“ 22 m qc” Sagot niya.
Ting! “Oic, I’m 23 m qc” Ang sagot ng lalaki sa kabilang linya.
Ting! “What’s ur Stats?” Binasa ni Bobby.
“Naku, Patay! Paano ba ito. Magsisinungaling ba aketch?” Kagat labing inisip ni bobby
Takatak tak tak! “I’m 5”8’ 150lbs White complexion. Good Looking!” ang pagsisinungaling na sagot ni Bobby. “Bahala na!” ang nasa isip isip ni Bobby.
Ting! “Same here! So how are you?” sagot ng kachat niya.
“Ok naman, Kakasara ko lang ng bakery namin. Medyo pagod …” Ani Bobby
Ting! “ Ah ganon ba? Sana andyan ako para mapawi ang pagod mo. Magaling ako magmasahe!” Sagot ng kachat nya.
“Am Potah!” kilig na kilig na si Bobby “Ah Ganon ba? Oo nga e sana andito ka!” Sagot ni Bobby.
Ting! “Btw. My Picture ka ba?” nagflash sa screen.
“Hmmm, wala e pero I assure you na guapo ko” Ani Bobby, habang kumakain ng kanyang paboritong chicharon.
Ting! “Ah ganon ba, Sayang!” ani ng kausap.”Ok ang nick mo ah! Babe69. hehehe”
“Salamat, Paborito ko kc ung pelikula ng babe. E ikaw me picture ka ba online?” tanung ni Bobby.
Ting! “Meron,
http://www.pictureworld.com/hunk4u.jpeg” sagot ng kausap na lalaki

Dali-daliang pinindot ni Bobby ang nasa monitor. Nakita niya ang picture ng kausap. Halos maglalag ang panty este brief ni Bobby. Lumabas ang larawan ng kausap sa internet sa monitor nito. Nakita niya ang napaka-kisig na lalaki. Nakatanggal ang pang itaas na damit nito. Meron itong mga malalaking kalamnan na pede iuntog ang ulo mo at ikaw ay mahihilo. Maputi ang kulay ng lalaki. Napaka amo ng mukha. Sa biglang tingin ay nahahawig nga ito ke Piolo Pascual. Sa Sobrang tuwa ni Bobby ay natapon ang suka sa kanyang damit.

“Ay lintek!” Napasigaw na sabi ni Bobby. Ngunit napawi agad ang kanyang inis ng Makita muli ang nasa kanyang monitor. “Hay… ang guapo naman nito!” nakakangangang tingin ni Bobby. Ngunit naisip ni Bobby ang kanyang pangsisinungaling.

Ting! “Have you seen my pic?” ang lumabas sa kanyang monitor.
Nagmamadaling nagtayp si Bobby sa keyboard ng kanyang kompyuter.
“Yup, you look ok” pagkukunwaring sagot ni Bobby, pero sa isip isip nito “kung alam mo lang! hahaha”
“Ok lang? hehehe kala ko pa naman sasabihin mo na sobrang guapo ko.” Ani ng kausap.
“Yabang! Well let’s see!” Sagot ni Bobby
“Btw, I’m Matt … short for Matthew!” sagot ng lalaking kausap.
“I’m Bobby” pagmamadaling tayp ni Bobby
“Bobby, gusto ko pa sana magtagal pero handa na hapunan naming e. Can I get your Number?” Tanung ni Matt
“O sure, 09179351278.” Sagot ni Bobby
“Mine is 09189805560. Save it ok?” Sagot ni Matt
“Syempre, Save ko!” Ani Bobby
“Ok, Gotta Go!” Sabi ni Matt
Ting! Matt is now Logged Off!

Parang nasa langit si Bobby nung gabing yun. Ngunit di complete ang kanyang kaligayahan dahil alam niya na nagsinungaling siya. Bago matapos ang gabi tumunog ang kanyang cellphone.

Halos magkanda dapa si Bobby sa pagkuha ng kanyang cellphone. Nakasulat sa kanyang cellphone “Kumain ka na ba? Ako tapos na. I just want to say gud nyt! :D” Dali-dali nagpipindot sa cellphone niya si Bobby. “Yup, Kanina pa. Gud Nyt! Din Muah!”. Parang bibeng di mapaitlog si Bobby sa tuwa.

Naging maganda ang naging takbo ng mga araw ni Bobby. Tuwing umaga ay tinetext siya ni Matt ng magandang umaga. Minsan kinakamusta ang kanyang araw. Nabuhay si Bobby sa kasinungalingan sa mga ilang linggo. Hanggang isang araw, nakakuha siya ng text mula kay Matt “Hey Bobby, Meet naman tayo. Nandito ako ngayon sa Mall”. Nataranta si Bobby. Matagal na niyang iniiwasan na di sila magkita ni Matt. Nahulog na ang loob niya sa lalaki na di pa niya nakikita ng harap harapan. Ang lalaki na nagbibigay ng kulay sa kanyang buhay. Alam ni Bobby na din a niya maiiwasan ang hiling ng lalaki. Huminga siya ng malalim at alam na niya na kailangan na niya harapin si Matt.

“Matt, Sige I’ll be there around 4 pm” Sagot ni Bobby.

Nag-ligo na si Bobby at sinuot niya ang kanyang paboritong itim na polo. Humarap siya sa salamin at sabay buntong hininga ng “Good Luck! Bobby kaya mo yan”. Nagpaalam na si Bobby sa kanyang ina. Lumakad siya hanggang kanto at duon ay pumara ng Taxi. Di na nag jeep si Bobby dahil sa kahihiyan. Alam niya na 2 ang pagbabayarin sa kanya Jeep kaya taxi nalang ang kanyang sinasakyan. Hirap na bumaba sa tapat ng Mall si Bobby. Tinext niya si Matt.

“Hi Matt, Wer na U? D2 na me” Text ni Bobby
Ilang sandali pa ay tumunog na ang cellphone niya, si Matt tinatawagan siya.
“Hello Bobby, I’m inside the mall. I just need to pick up something. Let’s meet at the coffee shop at the lobby” Mabilis na sagot ni Matt.
“Ok. See You.” Ang tanging nasabi ni Bobby.

Pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ni Bobby. “Naku pano ba to? Bakla ka kc kung ano ano pa ang pinagsasabi mo.” Inis na kinakausap ni Bobby ang sarili.

Di muna siya pumasok ng Coffee shop. Nagikot-ikot muna siya ng mall para mawala ng kaunti ang kanyang kaba. Hanggang sa nagkalakas na siya ng loob. Nagpunta na siya sa coffee shop. Sinabi sa kanya ni Matt na naka polo shirt siya na kulay blue. Sa labas palang ng coffee shop ay natanaw na ni Bobby si Matt. Ang lalaki na kanyang pangarap. Nakaupo duon. Katulad na katulad nga siya ng nasa litrato nito sa internet. Habang papalapit ng palapit si Bobby parang hinuhugot siya ng lupa. Nanlalambot ang kanyang tuhod. Tagaktak na ang pawis niya.

“Hello Matt …” Mahinang sabi ni Bobby.
Makikita ang pagtataka sa mukha ni Matt.
“Hi … and you are?” ani Matt.
“I’m Bobby” Pangiting sagot ni Bobby.
“What?!?!” Bulalas ni Matt.
Napatingin ang mga tao sa paligid dahil medyo napalakas ang sagot ni Matt.
“You know what! I hate liars! And guess what you’re one of them. Fat Fag!” Inis na sabi ni Matt. Dali dalian umalis si Matt.
“MATT!! WAIT!!” pigil ni Bobby

Napakabilis ng mga pangyayari. Gusto pa sana pigilan ni Bobby si Matt. Ngunit bigla nalang nanikip ang kanyang dibdib. Di alam ni Bobby na sa kanyang kalakihan ay nagkasakit nap ala siya sa puso. Hindi makahinga si Bobby. Sobrang sakit ng kanyang dibdib. Di niya alam kung sakit ito ng kanya nararamdaman para kay Matt o sakit ng puso. Bigla nalang bumulagta sa coffee shop si Bobby.

Namalayan ni Bobby na binubuhat na siya papasok ng Emergency Van. Parang panaginip lahat ng mga pangyayari. Nagkakagulo ang mga tao sa Hospital. Di parin makahinga si Bobby. Isang malalim na hinga.

Dahan Dahan Pumikit si Bobby.

KRRRRRRRRRRRRRAAAAAAAACCCCCCCCKKKKK!!!!! KZZZZZZZZZIIIIITTTTTT!!!
Isang maliwanag na ilaw na may kahalong kidlat ang nakita ni Bobby. Nakakasilaw na liwanag. Mula sa liwanag naaninag ni Bobby ang isang babae. Lumulutang ito sa hangin. Napakaganda nito. Ginintuan ang buhok at napakinis at napakaputi.

Papalapit ng papalapit sa kanya.

“Paris Hilton?” Tanong ni Bobby.
“Gagang Toh?! Anong Paris Hilton! Mas maganda ko don noh!” Ani ng babae
“Sino ka?”
“Ako si Bella! BELLA STAR! Ang Diyosa ng matataba! Tsedeng!!” Sigaw ni Bella
Nakatunganga parin si Bobby, hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
“Alam ko Bobby na busilak ang iyong kalooban. At nandito ako para bigyan ka ng pangalawang buhay. Eto tanggapin mo” Inabot ni Bella ang kumikinang na bagay.
“SAGING?” Bulalas ni Bobby
“Di lang basta saging, nasa kamay mo. Yan ang AMBROSIA! Ang pagkain ng mga Diyosa!” Pagmamalaking sabi ni Bella
“Sinumang nilalang na nabubuhay na kumain ng Ambrosia ay magiging Diyosa na katulad ko.”
“Wow! Magiging kasing seksi mo rin ba ko? Ta sung buhok ko magiging kulay mais din?” Tuwang tuwa na bigkas ni Bobby
“Hep! Hep! Ang sabi ko nabubuhay. Buhay ka ba? Patay ka na Bobby. Pero mabubuhay ka muli at magkakaroon ka ng kakaibang kapangyarihan. Magiging tagapagtanggol ka ng sanlibutan!” Ani Bella
“Talaga! Winner to Mother! I Lab you! Wag ka mag-alala di kita bibiguin!” Wika ni Bobby
“Ano pah hinihintay mo Baklah! Lafang na!” Pautos na sabi ni Bella
Dali dalian sinubo ni Bobby ang saging na ginto. Syempre binalatan niya muna.
Paghuling kagat ni Bobby at lunok biglang nag-ilaw ang kanyang buong katawan. Umangat siya sa hangin. Nagpaikot ikot d2. At isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas.

Biglang nagising si Bobby. Hingal na hingal. Gulat na gulat ang mga doctor dahil nabuhay si Bobby.


Itutuloy ...