Wednesday, November 01, 2006

KABANATA VIII: Ang Paghaharap.

Sa isang madilim na kweba nagplaplano na si Devonika at si Plague pano nila guguluhin ang kamaynilaan. Sabik na sabik na si Plague para maghasik ng lagim. Gustong gusto niya gumanti sa lalaki na nagbigay sa kanya ng sakit.

“Devonika, sa tingin ko ay panahon na para magpakita nako sa madlang tao!”
“I agree, gusto ko na lampasuhin mo yang si Zuper Zion. Para makita ng Bella nayan kung sino talaga ang mas makapangyarihan samin. HAHAHAHA!”
“Pero bago yan, Reyna Devonika. Meron lang akong babalikan na tao. Paparamdam ko sa kanya ang sarap ng sakit na binigay niya sakin.”
“Wala akong pakialam sa personal mong paghihiganti. Gawin mo ang gusto mo. Mas magulo mas maganda!”
“Masusunod mahal na Reyna Devonika!”

Sa isang iglap binalot ng maitim na usok si Plague at naglaho. Naiwan si Devonika sa madilim na kweba. Nagiisip ito kung kakayanin kaya ni Plague ang burahin sa ibabaw ng lupa si Zuper Zion. Hinde na siya makapaghintay. Iwinasiwas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap sa harapan nito ay may lumabas na tila isang palabas. Nakikita niya ang bawat galaw ni Plague.

Dumating si Plague sa bahay ni Mike ang lalaking nagbigay sa kanya ng sakit. Nakita niya na bukas ang ilaw sa loob ng kuarto nito. Naglakad si Plague papunta sa pinto at tumagos ito sa ditto. Direretso siya sa itaas na bahagi ng bahay ni Mike. Iwinasiwas ang kamay at sa isang iglap sumabog pabukas ang pinto. Sa may kama ay nakahiga si Mike at may kasamang isang lalaki na mukha rin nerd na katulad niya nun.
“Hello Dear! Do you still remember me?!” Sigaw ni Plague
“Sino ka? Ano ginagawa mo dito” Napabalikwas si Mike sa kama. At isinuot ang robe sa tabi ng kama.
“Ako lang naman ang lalaking binigyan mo ng sakit!” Galit na galit na sabi ni Plague. Nabasag sa maliliit na piraso salamin sa may kuarto at nagpatay sinde ang ilaw.
“Wala akong ginagawa sayo.” Takot na sabi ni Mike.

Ang lalaki na kasama ni Mike sa kuarto ay takot na takot narin. Nagliliyab sa pula ang mga mata ni Plague.

“At ikaw namang bakla ka! Kala mo ba naka-jackpot ka na sa gunggong na to?!” Tingin ni Plague sa lalaki. “Alam mo ba na may sakit na AIDS tong si Mike. Biniktima ka lang niya.”
“Huh?” Utal na sabi ng lalaki.
“hhhhhuuhhh?” gaya ni Plague sa lalaki. “Umalis ka na dito. Bago madamay ka pa sa galit ko layas!” Dumagundong ang boses ni Plague sa buong bagay tila magigiba ito.

Tumakbo papaalis ang lalaki, hindi man lamang nitong nagawang magbihis sa sobrang takot. Tatakas sana narin si Mike pero bumalik ang nagbabagang tingin nito kay Mike.

“At san ka pupunta!” Itinaas ni Mike ang kamay at tila may hinahawakan ito. Natigilan si Mike sa pagtakbo. Tila may sumasakal sa kanya. Lumipad papunta sa harap ni Plague si Mike. Mga dalawang pulgada lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa.

“Hinde mo ba ko na-miss” Malanding tanong ni Plague kay Mike.
“Sososo… Sorry” Takot na takot na sabi ni Mike.
“Sorry?” Ngumisi si Plague.”Wala kang dapat isorry. Dapat nga ako pa ang magpasalamat sayo. Kasi kung hindi dahil sayo di ako magiging ganito.”

Hinalikan bigla ni Plague si Mike. Dumilat ang mga mata ni Mike. Mula sa bibig ni mike ay biglang naglabasan ang mga ugat nito sa katawan. Tila dumadaloy ang itim na likido sa mga ugat nito. Kitang kita ang unti unting pag itim ng balat ni Mike. Nangitim bigla ang mata ni Mike pati ang mga puting bahagi ay nagitim narin. Tila lumalobo ang buong katawan nito. Bigla nalang sumabog sa madaming piraso ang katawan ni Mike. Naiwan si Plague na parang may hinahalikan parin at tumayo na ulit siya ng diretso.

“Hmft! One down more to go! Hahaha!” Halakhak ni Plague.

Biglang binalot ito ng itim na usok at naglaho ang naiwan ang alingawngaw ng tawa ni Plague. Kinabukasan ay naging laman ng diaryo at ng balita sa telebisyon ang nangyari. Nanunuod ng balita si Aling Mila at si Bobby ng marinig nila ang balita.

“Anak, tignan mo to o.” Sabi ni Aling Mila. “Nakakaawa naman tong namatay nato. Sabog sabog yung buong katawan. Tas parang nabubulok ito”

Nilakasan ni Aling Mila ang balita.
“Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanyang bahay. Itinawag sa pulis ng mga kapitbahay nila na tila may gulo na nangyayari sa bahay nito. Marami daw silang narinig na kalabog at pagsabog sa loob ng bahay.” Wika ng reporter sa TV. “Anila, may nakita pa raw sila na isang lalaki nakatapis lamang na tumatakbo papalabas ng bahay nito at dali daliang sumakay ng taxi. Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ng mga awtoridad ang lalaki na nanggaling sa bahay nito. Gulat na gulat ang mga pulis sa nadatnan nila dahil parang nanggaling ang pagsabog sa loob ng katawan nito. Sabi nila ay di naman daw chinopchop ang lalaki bagkos ay sumabog ito na tila pinasukan ng Granada sa loob ng katawan. Hindi parin malinaw ang mga nangyayari at sabi ng mga pulis ay di sila magpapahinga hangga’t malaman nila ang totoong nangyari. Para sa XTV21 News Bimbo Chavez naguulat” Hininaan muli ni Aling Mila ang telebisyon at humarap sa anak.

“Ano kaya nagyari dun no anak. Nakakapang-hilakbot!” Pag-alala ni Aling Mila.
“Oo nga mamu. Dami talagang mga kababalaghan na na nangyayari.” Wika ni Bobby.

Sa isip-isip ni Bobby ay marahil kagagawan ito ng isang makapangyarihan tao. Kinakabahan siya sa maaring mangyari sa susunod na mga araw. Makalipas ang isang araw habang nagpapatrolya si Zuper Zion nakita niya na may kaguluhang nangyayari sa sa Plaza Miranda sa maynila. Bumaba siya upang malaman ang nangyayari. Nakita niya na napakaraming pulis. At sa gitna ng kaguluhang ito nakita niya ang isang guapong lalaki na nakaitim. Tulad niya ay hapit na hapit din ang suot nitong costume. Nagbabaga ang mga mata nito at nababalutan ito ng itim na usok. Itinuro ang dalawang kamay sa isang pulis, may lumabas na itim na apoy mula sa kamay nito at sa isang iglap ay sumabog ang pulis at naging abo. Walang nagawa si Zuper Zion sa bilis ng pangyayari.

“Bwahahaha!” Tawa ni Plague.
“Cynthia!” Sigaw ni Zuper Zion.
“Sino ako? Ako si Plague. Ang mahahatid sayo sa huli mong hantungan” Ngisi nito.
“Gagah ka! Baka ako pa maghatid sayo dun. Nakaitim ka na nga o. Ataul nalang kulang” Pangiinis ni Zuper Zion.

Tumira muli ng itim na apoy si Plague pero nagawang maiwasan ito ni Zuper Zion. Sa halip ang natamaan ay ang sasakyan ng pulis at sumabog ito. Sa sobrang takot ng mga pulis at mga usisero ay nagtakbuhan ang mga ito. Naiwan na lamang si Zuper Zion at Plague sa Plaza.

“Teka nga. Bat ka ba nangugulo dito” Urirat ni Zuper Zion.
“Regalo ako sayo ni Diva Devonika! Ako si Plague” Sagot ni Plague. At pumorma ng parang sumasali sa body building contest.
“Ay ganun. Guapo ka sana kung di ka lang masama. Hihihi.” Hagikgik ni Zuper Zion.

Tumira muli ng itim na apoy si Plague. Tumama ito sa katawan ni Zuper Zion. Tumilapon si Zuper Zion sa malapit na building at tumagos ito dito. Mabilis na lumipad pabalik si Zuper Zion at direretso ito sa sikmura ni Plague. Timilapon din papunta sa isa pang building si Plague. Tumagos ito sa ilang building. Biglang may itim na usok na lumabas sa harap ni Zuper Zion at lumitaw sa kawalan si Plague. Akmang hahalikan ni Plague si Zuper Zion. Pero nagawang iharang ni Zuper Zion ang kamay niya sa pagitan nila. Itinulak.

“Excuse me, ano ko easy to get? Heskyusmeh! Di ako pokpok! I don’t kiss on the first meeting” Galit na galit na sabi ni Zuper Zion.

Habang hawak hawak ni Zuper Zion ang mukha ni Plague ay nagpalabas siya ng kidlat mula sa kamay nito. Di niya binitiwan si Plague at kinuryente niya ang buong katawan ni Plague. Nang binitawan nya si Plague ay napaluhod ito sa harap niya ng walang malay at tumama ang mukha nito sa maselang bahagi ni Zuper Zion.

“Tignan mo to! Taking advantage ka ha.” Iritang sabi ni Zuper Zion.

Umikot si Zuper Zion at ni-round house kick niya si Plague. Tumilapon papuntang langit si Plague at naglaho ito. Tumingin sa langit si Zuper Zion at iniligay ang kamay sa ibabaw ng mata niya na parang may hinahanap sa langit at sabay sabing.

“Babush! Nice meeting you! Hahaha” Tawa ni Zuper Zion.


Biglang nagsulputan ng parang kabute ang mga tao sa paligid. Napuno ng usisero sa isang iglap ang plaza. Pinipigilan ng mga pulis ang mga tao na makalapit kay Zuper Zion. Palakpakan ang mga tao sa ginawa ni Zuper Zion. May gusto magpa picture para lagay sa friendster. May gusto na magpa-autograph. Ang iba naman ay makahawak man lang ay ayos na sa kanila. Pumalakpak si Zuper Zion. At pumorma na parang nag kakatapos lang magsayaw ng Flamenco sabay sigaw.

“OLE!” Kumindat siya sa mga tao ay biglang naglaho ito.

Dumating si Miguel sa pinangyarihan ng gulo ngunit huli na siya nakaalis na si Zuper Zion. Tuwang tuwa ang mga tao. Sinabi nila kay Miguel kung pano nilampaso ni Zuper Zion si Plague. Sising-sisi si Miguel at nahuli sya.

Kinagabihan ay dinalaw si Bobby ni Bella Star sa kanya kuarto. Ikinuwento niya kay Bella ang mga pangyayari.

“Madam Bella. Sino ba si Diva Devonika?” Urirat ni Bobby.
“Isang inggiterang Diyosa. Gusto magreyna-reynahan sa Mundo ng mga Diyos” Sagot ni Bella.
“Nagpadala pa siya ng sugo niya. Plague yung pangalan kung di ako nagkakamali” Sabi ni Bobby.
“Hmft. Tignan mo yun gumawa rin ng sarili niyang sugo.” Ngisi ni Bella “Pero wag ka mag-alala Bobby. Mas malakas ka dun. Kayang kaya mo yun.”
“You should have seen mother! Nilampaso ko yung Plague nay un. Kung nakita mo ko magiging proud ka sakin”
“Bobby. Proud naman ako sayo e. Kasi alam ko na kayang-kaya mo sila” Pagmamalaki ni Bella.
“Pero mag-iingat ka parin ha. Tuso yang si Devonika. Gagawin niya ang lahat para pabagsakin tayong dalawa”
“Opo Madam Bella.” Tango ni Bobby.

Biglang nagliwanag ang paligid ang biglang naglaho si Bella. Pagod na pagod si Bobby nun dahil mag-aalas dos na ng madaling araw. Pagkahiga na pagkahiga niya ay nawalan na siya ng malay at himbing na himbing ang tulog niyo.

Samantala, Bumalik si Plague sa Kueba ni Devonika. Hinang-hina ito pero naibalik na nito ang dati itsura mula sa pagiging tutong ng buo niya katawan.

“Hitad ka! Wala kang silbi!” Sigaw ni Devonika.”Nakita ko ang lahat kung pano ka paglaruan ni Zuper Zion”
“Patawarin niyo ko Reyna Devonika” Hiyang hiya na sagot ni Plague.
“Sigurado ngayon na tawa ng tawa yung pesteng Bella na yun” Inis na wika ni Devonika.
“Pero di bale. Re-resbak tayo sa mga yun! At sa pagbabalik natin tayo naman ang hahalakhak.”
“Ano po ang pinaplano niyo Devonika?” Tanung ni Plague.
“Magsasanay tayo, pero habang ikaw ay nagsasanay ako na muna ang bahala sa pang-gugulo.” Iwinasiwas ni Devonika ang kamay. Isang itim na butas na nabalot ng kidlat ang lumabas. “Pumasok ka diyan, inihanda ko yan diyan ka magsasanay. At paglabas mo may ibibigay akong regalo sayo para lalong lumakas ang iyong kapangyarihan.”

Pumasok si Plague sa itim na lagusan at nagsara ito. Naiwan si Devonika na nagiisa loob ng kanyang kweba at nagplaplano ng susunod na hakbang. Kinuha nya ang kanyang tungkod at itinusok ito sa lupa. Dumagundong ang paligid at biglang nagliparan ang mga pink na paniki mula sa labas papasok sa loob ng kweba. Nagsibabaan ang mga ito at naging babae na magaganda na naka-pink na gown. Lumuhod ito sa harapan ni Devonika.

“Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo mahal na reyna” tanung nang isang paniking babae.
“Aalis tayo at mang-gugulo tayo sa lupa!” Sagot ni Devonika.”Bwahaha!”

Sa isang iglap ay naglaho bigla si Devonika at mga babaeng pink na paniki. Nagpunta sila sa lupa. Lahat ng makita nila ay kanilang kinakagat at sinisipsip ang dugo ng mga ito. Samantalang si Devonika ay lumilipad sa hangin at pinapanuod ang kaguluhan na nangyayari sa ibaba.

“BOBBY!! BOBBY!!” Kalabog ni Aling Mila.
Inis na inis si Bobby dahil nakita niya na mag- kuatro palang ng umaga. Di pa siya nakakabawi ng tulog. Pinahirihan niya ang natuyong laway sa bibig niya.
“Mamu! Ano ba!”Binuksan ni Bobby ang pinto ng kanyang kuarto.
“Bobby! Anak bilisan mo umalis na tayo. May mga babaeng pink na nang-gugulo sa bayan. Lahat ng makita nila ay kanilang sinisipsipan ng dugo.”Pagalala ni Aling Mila.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Bobby sa sinabi ni Aling Mila. Di na niyang nagawang magpalit ng damit at dali-dalian silang lumabas ng bahay. Nakita nila na nagtatakbuhan na ang mga tao. Tumakbo narin si Aling Mila at si Bobby. Sa sakayan ng jeep ay naguunahan ang mga tao na makaalis.

“Mamu. Mauna na po kayo. Dala niyo ba cellphone niyo? Tatawagan ko nalang po kayo. May babalikan lang ako sa bahay” Wika ni Bobby.
“Damuhong bata ka! Ano pa ba babalikan mo dun.” Pag-alala ng ina.
“Aling Mila. Tara na po.” Nakita ni Aling Mila na papasakay narin si Ben sa Jeep kasama ang kapatid nito.
“Basta Mamu! Wag kayong mag-alala sakin. Susunod na po ako. Ben ikaw na muna ang bahala sa Nanay ko ha.” Tumakbo si Bobby pabalik ng bahay. Wala nang nagawa si Aling Mila dahil umandar na ang jeep na sinasakyan niya.

Napunta si Bobby sa likod ng malaking puno at nagpalit ng anyo. Dali-dalian siyang lumipad papuntang sa kinaroroonan ng mga babaeng paniki. Pinagsasapak ni Bobby ang mga babaeng pink na paniki. Sinide kick nya ang iba. Scissor kick. Split sabay sapak. Tumbling ditto tumbling doon. Hanggang sa naipon niya ang lahat sa isang lugar.

“Sino kayo! Bat kayo nang-gugulo dito” Sigaw ni Zuper Zion.
“Kami ang Pink Ladies! Mga alagad ni Devonika.” Nagpormang bioman ang mga pink ladies.
“Devonika na naman. Nagpadala na naman ng mga alipores. Di na nadala! Bumalik pa kasama ang sex bomb girls! Pag nakita ko yan …” Bago pa matapos ni Zuper Zion ang sasabihin ay lumitaw si Devonika sa harap ng mga pink ladies.
“Pag nakita mo ko ano ang gagawin mo? Ha?!” Sigaw ni Devonika.

Natulala bigla si Bobby. Nagulat siya kay Devonika. Di niya akalain na napaka-ganda diyosa nito. Pero naisip niya na mas maganda siya rito. Nang nabawi ni Zuper Zion ang pagkamangha kay Devonika ay sumagot ulit ito.

“Isusumbong kita kay Madam Bella” Ang tanging nasabi ni Zuper Zion.
“Bwahaha. Sa tingin mo ba may magagawa si Bella” Pang iinis ni Devonika. “Nasan siya ngayon? Ni hindi nya ko kayang harapin. Isa lamang siya sa mga pipitsuging mga Diyosa.”
“Wag kang magsalita ng ganyan kay Madam!” Umikot si Zuper Zion at biglang tinira ng kidlat si Devonika. Ibinuka ni Devonika ang kamay niya. Parang supot na paputok ang itinirang kidlat ni Zuper Zion.
“Hahaha! Yan lang ba ang kaya mong gawin?” Biglang naglaho si Devonika ngunit narinig parin ang alingawngaw ng boses niya “Pink Ladies. Kayo na bahala sa kanya!”

Nagliparan ang mga Pink ladies ang pumalibot kay Zuper Zion. Pumorma si Zuper Zion. Inihanda ang sarili sa pag-atake ng mga Pink Ladies. Sabay-Sabay na umatake ang mga pink ladies. Tulad ng dati karate dun. Sipa dito! Sipa Dun! Tumbling dito! Tumbling dun!

Napapagod na si Zuper Zion. Parang walang kapaguran ang mga Pink Ladies. Naiisip niya na napakalakas ng mga ito. Umikot si Zuper Zion ng napakabilis sa sobrang bilis ay nakubo siya ng isang malaking ipo ipo. Sumama paitaas ang mga Ladies. Sa pagikot ng Ipo-ipo. Sinubukan lumipad ng mga kalaban para makawala pero sobrang lakas ng pwersa ng ipo-ipo. Nagpaikot-ikot si Zuper Zion. Iniisip kung ano ang gagawin sa mga babaeng paniki. Naisip niya na since mga bampira ang mga ito ay panigurado na di pede ang mga ito na maarawan. Napansin nya na papasikat na pala ang araw. Binilisan niya ang pagikot lalo hanggang umabot sila sa kalangitan. Suminag ang araw ang tumigil si Zuper Zion sa pagikot. Hilong hilo ang mga Pink Ladies. Bago pa sila makapaglaho ay nasikatan na sila ng araw. Isa isang sumabog ang mga ito. Parang New Year sa isip isip ni Zuper Zion.

Tumigil sandali si Zuper Zion sa hangin at pinagmasdan ang ganda ng umaga. Bumaba na siya sa bayan. At muling nagpalit ng anyo. Pagbalik niya sa bahay ay nandun na si Aling Mila, Ben at ang kapatid nito. Binatukan ang anak sa pag-alala.

“Mamu, bat nandito kayo sabi ko sa inyo diba umalis na kayo.” Wika ni Bobby.
“Sabi ko nga kay Aling Mila na wag na magalala pero nagpumilit siya na bumaba.” Sagot ni Ben. “Nung nakita ko na bumaba siya ay bumaba narin ako.”
“Sa tingin mo maiiwanan kita dito. Damuho ka!” Galit na galit na sabi ni Aling Mila. “San ka ba nagpupunta?”
“E may kinuha lang po ako. Nung pagbalik ko ay nakita ko na dumating si Zuper Zion. Nagtago nalang po ako. Alam ko naman na kayang kaya ni Zuper Zion yun e” Pagmamalaki ni Bobby.
“Hushu! E pano kung di kinaya ni Zuper Zion e di patay ka na rin ngayon.” Galit na sabi ni Aling Mila. “Nadamay pa tuloy tong magkapatid na to para sumama sakin.”
“Ben pasensya ka na ha. Maraming Salamat nga pala sa pag-alala mo sa nanay ko” Namumula ang mga pisngi ni Bobby.
“Walang anuman Bobby, Sinu-sino pa ba naman magtutulungan kundi tayu-tayo.”Wika ni Ben.
“Uyyyy si kuya namumula!” Biro ng kapatid ni Ben. Nahiya bigla si Ben at inipit sa kili-kili ang ulo ng kapatid.
“Sa tingin ko Mamu, Ligtas na tayo. Kasi wala na yung mga babaeng paniki.” Iwas ni Bobby sa usapan.
“Oo nga. Buti nalang at dumating si Zuper Zion.” Ani ni Aling Mila.
“Mauna na po kami. Aling Mila.” Pagpapalam ni Ben.
“O sige, wag mo nako tawagin na Aling Mila ha. Tita nalang o kaya Mamu narin! Hehehe” Biro ni Aling Mila.
“O sige po, Tita” Nagpaalam na ang magkapatid ang umuwi na sa bahay nila.

Pumasok na sa loob ng bahay sila Aling Mila at Bobby. Sa sobrang pagod ay bagsak na naman sa kama si Bobby. Hindi niya na inaalintana kung babalik pa si Devonika o kaya si Plague. Alam niya na kakailanganin nya ang lakas para matalo ang mga ito.

Itutuloy…